Kris tinupad ang pangako kay Cory

Marami ang nagsasabi, marami na ngang pera si Kris Aquino, bakit kailangan pa niyang magtrabaho nang husto? Bakit kailangan pa niyang gawin ang pelikulang ‘(K)Ampon’, samantalang hindi pa nga masyadong maganda ang kanyang pakiramdam.

kris tinupad ang pangako kay cory - Kris tinupad ang pangako kay Cory
ABANTE kris 2 - Kris tinupad ang pangako kay Cory

paistaran
Dondon Sermino

Marami ang nagsasabi, marami na ngang pera si Kris Aquino, bakit kailangan pa niyang magtrabaho nang husto? Bakit kailangan pa niyang gawin ang pelikulang ‘(K)Ampon’, samantalang hindi pa nga masyadong maganda ang kanyang pakiramdam.

Hindi pa siya magaling na magaling talaga sa kanyang sakit. At mas maganda nga na magpahinga muna siya.

Bakit nga ba? Eh, umaapaw na nga ang ipon niyang datung, at secure na ang pangangaila-ngan ng mga anak niyang sina Josh at Bimby.

“Marami akong life & death situations na puwedeng ma-share na patunay that my Mom refused to be brought to safety without me. “Masyadong mahaba for this post, it will wait for my book? But she ingrained that in me.
Especially because Kuya Josh & Bimb only have me, in the way from 1972 to 1980, and from 1983 to 2009 I only had her.

“I know that most have told me, marami na kaming pera, mag-relax na ko. Sana maintindihan ninyo, my Mom said – ‘Kuya will always have special needs & he should be very secure financially (hindi na kailangan i-detalye na mag-isa ko syang napalaki) and as much as I know Bimb will be a loving & responsible brother, hindi ko hawak ang puso ng magiging misis nya.

“The 1 thing I promised my Mom, na super natutupad- never ma-aagrabyado si Kuya.

“May I thank you? Every time you show kuya josh LOVE & COMPASSION, you make his lola Cory smile in heaven. At hindi ako napapahiya sa pinangako ko,” sabi ni Kris.

Anyway, nasa Japan sina Kris, Josh at Bimby ngayon para magbakasyon, at magpagaling na rin.

***
Ariel, Winnie patuloy sa paghakot ng mga award

Maraming dahilan kung bakit nangunguna pa rin ang DZMM Radyo Patrol 630, na nagdiriwang ngayon ng ika-33 anibersaryo. Bongga nga kasi ang masasayang mga talakayan na kapupulutan ng aliw at bagong kaalaman, at ang hindi nawawalang hangarin na magbigay ng serbisyo publiko upang makatulong sa taong-bayan.

Kitang-kita ang mga katangiang ito sa programang “Todo-Todo Walang Preno” nina Ariel Ureta at Winnie Cordero.

Tulad ng mga beteranong anchor nito, nananatiling patok sa mga tagapakinig at tagapanood ang “Todo-Todo”, na maski 15 taon na sa ere ay patuloy na tumatanggap ng parangal tulad ng Best Variety Program for Radio sa 27th KBP Golden Dove Awards.

Kilala ang programa sa mga segment nito tulad ng “Sabi ng Lolo Ko”, kung saan pinapaalala ni Ariel ang mabubuting asal tulad ng paggalang sa nakatatanda at pagmamahal sa bayan, at “WinWin Solutions”, kung saan si Tita Winnie naman ang nagbibigay ng tips at solusyon sa mga karaniwang problema ng mga nanay tulad niya. Kaabang-abang din ang “Todo-Todo Kuro Kuro” at “Todo Kwentuhan Kasama Ang Mga Sikat”, na parehong nila-labas ang galing ng dalawa sa pagtalakay ng iba-ibang usapin, showbiz man on mga isyung may kinalaman sa pamilya.

Sa kabila ng tagumpay ng kanilang tandem, todo-todo at walang preno pa rin sa pagpapaganda ng kanilang programa sina Ariel at Winnie, na magkasama rin sa telebisyon sa programang “Umagang Kay Ganda”.

“Pinagsisikapan naming bigyan sila ng bagong pananaw araw-araw, taon-taon. Kahit na gaano ka ganda ang mensahe natin sa kanila, kung ‘yun at ‘yun lang paulit-ulit araw-araw, maghahanap ng ibang pakikinggan ‘yung ating mga suking tagapakinig.” ani Ariel.

Dagdag ni Winnie, nananatili silang inspiradong maghatid ng impormas-yon at saya sa mga Pilipino. “Isang pribilehiyo talaga ang makapagbahagi ng pananaw at kaalaman sa ating mga kababayan, at iyon bang mapatawa o mapasaya mo sila araw-araw.”

Abangan sina Ariel Ureta at Winnie Cordero sa “Todo-Todo Walang Preno” mula Lunes hanggang Biyernes ng 3 pm sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630, na nanalo ring Best AM Radio Station sa 2nd Animo Media Choice Awards. Manood online sa iWant o makinig sa audio streaming sa dzmm.com.ph.

Attachments area

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *