Kris sabik kay Rayver

Kasabay ng mga umiinit na eksena sa “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko” ay ang pagpasok ng tatlong bagong mga karakter na ginagampanan nina Rodjun Cruz, Boboy Garrovillo at Rey Abellana.­

kris sabik kay rayver - Kris sabik kay Rayver
kris 17 - Kris sabik kay Rayver

Kasabay ng mga umiinit na eksena sa “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko” ay ang pagpasok ng tatlong bagong mga karakter na ginagampanan nina Rodjun Cruz, Boboy Garrovillo at Rey Abellana.­

Si Rodjun ay si Ben, dating semina­rista na lumabas at hinanap ang tunay na gusto sa buhay, habang si Boboy naman ay si Father Darian, dating guro ni Ben sa seminaryo na isa ring exorcist. Si Rey naman ay si Ross, isang spirit questor na may kakayahang kausapin ang mga kaluluwa.

Silang tatlo ang tutulong kina Yvie (Megan Young) na itaboy ang kaluluwa ni ­Naomi (Kris Bernal) mula sa ancestral house.

Samantala, hindi titigil si Naomi hangga’t hindi niya ­nakukuha si Matteo (­Rayver Cruz), at hindi rin naman­ titigil si Yvie na protekta­han ang pamilya niya mula sa kasamaan ni Naomi.

‘Wag palalampasin ang tumitindi nilang agawan sa “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko” pagkatapos ng “Eat Bulaga” sa GMA Afternoon Prime.

(Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *