Kris rumesbak sa nang-insulto kay Locsin

Kahit na si Angel Locsin na ang “pinaglaruan” o ginawang example ng isang guro sa Occidental Mindoro sa module nito dahil sa pigura ng actress ngayon, meron at meron pa rin talagang mga basher na bina-bash pa rin si Angel.

The post Kris rumesbak sa nang-insulto kay Locsin first appeared on Abante.

kris rumesbak sa nang insulto kay locsin - Kris rumesbak sa nang-insulto kay Locsin
injil - Kris rumesbak sa nang-insulto kay Locsin

rose 8 300x156 - Kris rumesbak sa nang-insulto kay LocsinKahit na si Angel Locsin na ang “pinaglaruan” o ginawang example ng isang guro sa Occidental Mindoro sa module nito dahil sa pigura ng actress ngayon, meron at meron pa rin talagang mga basher na bina-bash pa rin si Angel.

Pero ang nakakatuwa, maraming mga public school teacher ang nagko-comment sa Instagram post niya kunsaan, pinost nito ang letter of clarification and apology ng DepEp.

Halos lahat sa mga public school teachers na nag-comment ay humingi ng paumanin kay Angel at nagsabing mali nga raw ang nangyaring yun.

Sa isang banda, hindi rin nakatiis si Kris Aquino na hindi mag-comment sa issue. Ayon nga rito, alam niya kung gaano kahirap ang trabaho ng mga guro na madalas, kulang pa ang suweldo, pero aniya, may responsibilidad ang mga guro, lalo na sa mga aral na ini-impart sa mga estudyante.

Ayon kay Kris, “I understand mahirap ang trabaho ng mga guro at kadalasan hindi sapat ang sweldo… pero ang budget ng DepEd ay galing sa mga Pilipino, mga nagtatrabaho at nagbabayad ng buwis ang nagbibigay pondo para sa DepEd, in other words- lahat tayo stakeholders dito… kaya may mali kung isang likas na matulungin sa kapwa ang “paglalaruan” in the guise of “pagtuturo”… yes, we live in a democracy and that teacher has the right to exercise the same rights all of us have, the right to free speech… but in this instance- the person in authority (the teacher) is playing a significant role in shaping the values and character of his/her students… in the statement humihingi to spare the said individual from “attacks” – eh sino ba ang nagbanggit ng pangalan? Kanino ba nanggaling ang pailalim na banat? nasa TAMA si Gel na ipaglaban ang dignidad nya… sir/ma’am- kung mamemersonal po – open naman ang comments ni Angel sa IG & Twitter nya. Kahit hindi po kagandahan ang opinion tungkol sa kanya, at least sa mas angkop na “forum” in-express.”

At sabi nga ni Kris, hanga talaga siya sa tatag at tapang ni Angel na sa kabila ng mga ginagawang pagtulong, binabato pa rin ng mga panlalait at pang-iinsulto.

Aniya, “@therealangellocsin kagaya ng paulit ulit kong sinasabi sa yo, hanga ako sa tatag at tapang mo. Isang sobrang higpit na yakap galing sa ate mong nagmamahal.”

Magkapatid ‘kabit’ ng mag-amang politiko

Ang daming kuwento sa mag-iina na ito. Masuka-suka ang source namin at tinatanong kami kung paano raw nagagawa ng mag-iina na ipangalandakan ang kanilang “faith” o pagiging Christian daw, pero taliwas naman ang totong ginagawa o hindi gawain ng isang Kristiyano.

Sabi ng aming source, “Grabe rin kasi ang ina nila. Sana yung way of life niya, hindi na niya ipinasa sa mga anak niya.”

Kinikilabutan daw siya kapag naririnig niya ang self-proclaim Christian ng mag-iina. Habang alam daw niya at ng karamihan din sa mga nakakakilala rito ang mga gawi ng mga ito.

Ayon dito, “Ang dalawang anak na babae ay “kabit” o “babae” ng mag-amang politiko. Ang nanay naman, “tinikman” din ang dyino-jowa ng anak. Kaya halos mag-suicide na ang anak.”

Wish ng source namin na mamuhay na lang daw ng simple ang mga ito kung hindi kaya ang lifestyle kesa yung kung ano-ano ang ginagawa para lang masunod ang mga luho. At worse pa, yung pinapaniwala raw ng mga ito ang mga tao na Kristiyano nga sila.

The post Kris rumesbak sa nang-insulto kay Locsin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *