Kris, Piolo, Willie babangga kina Herbert, Mike sa Q.C.?

Mainit-init naming natanggap ang tsikang pinag-uusapan na raw ngayon ang posibleng pag-merge o join forces nina pareng Bistek (Herbert Bautista) at Cong. Mike Defensor para sa susunod na local elections?

The post Kris, Piolo, Willie babangga kina Herbert, Mike sa Q.C.? first appeared on Abante.

kris piolo willie babangga kina herbert mike sa q c - Kris, Piolo, Willie babangga kina Herbert, Mike sa Q.C.?
Celeb - Kris, Piolo, Willie babangga kina Herbert, Mike sa Q.C.?

ambetabol ambet nabus 1 300x200 - Kris, Piolo, Willie babangga kina Herbert, Mike sa Q.C.?Mainit-init naming natanggap ang tsikang pinag-uusapan na raw ngayon ang posibleng pag-merge o join forces nina pareng Bistek (Herbert Bautista) at Cong. Mike Defensor para sa susunod na local elections?

Ayon sa tsismis, merong mga common friends and allies ang dalawa na pareho nilang nakasama noon pang araw sa Konseho ng Quezon City, na patuloy nilang nakakasama at pinagkakatiwalaan.

Bigla na lang daw nag-come up ang idea na puwede silang pagsamahin dahil balita namang merong mga grupo na nagsusulong din ng mga manok nila, kasama na umano ang mga names nina Kris Aquino, Willie Revillame at Piolo Pascual?

Saang teleserye kaya nanggaling ang idea na ito hahaha!

***

Atras sa trabaho: Tetay naalarma sa virus nina TV host, komedyante, aktres

Speaking of Kris, health reason naman ngayon ang biglang sinasabing rason kung bakit hindi nito magagawang magsimula ng show sa TV sa huling quarter ng 2020.

Ayaw raw bigyan ng health clearance ng kanyang doktor ang kumare natin kaya stay home muna ito sa ancestral house nila sa Tarlac.

Nabahala nga raw si Kris sa mga nabalitaan nitong ilang mga personalidad sa telebisyon na nag-positive sa Covid 19 kahit sobrang nag-iingat na ang mga ito.

Mas naniniwala raw si Kris sa balitang may nag-positive sa mga showbiz workers kumpara sa ilang politiko na tila proud pang nag-aanunsyo sa mga social media accounts nila.

“Na-confirm kasi niyang tinamaan ng virus ang isang kilalang TV host (na friend niya) ng isang daily show though okey na ito sa ngayon. Tapos may nagpatotoo pang sina (comedian hosts and another actress na may daily soap) ….ay tinamaan din gayung walang matatawag na grabeng exposure ang mga ito and yet, nag-positive sa coronavirus at nagpapagaling na nga. Mahirap na, sa sitwasyon ngayon,” tsika ng aming kausap na super lapit sa aming kumare.

Yun na!

The post Kris, Piolo, Willie babangga kina Herbert, Mike sa Q.C.? first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *