Kris pinatawad na sina Falcis

Ibang-iba talaga ‘pag nasa abroad si Kris Aquino, puno ng positivity ang itsura niya, pati ang takbo ng isip niya. Napagtutuunan niya ng pansin ang sarili niya (nagagawa niyang mag-shopping nang bonggang-bongga), at pati na ang kalusugan niya.

The post Kris pinatawad na sina Falcis appeared first on Abante News Online.

kris pinatawad na sina falcis - Kris pinatawad na sina Falcis
2019 Abante Kris Aquino - Kris pinatawad na sina Falcis

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Kris pinatawad na sina FalcisIbang-iba talaga ‘pag nasa abroad si Kris Aquino, puno ng positivity ang itsura niya, pati ang takbo ng isip niya. Napagtutuunan niya ng pansin ang sarili niya (nagagawa niyang mag-shopping nang bonggang-bongga), at pati na ang kalusugan niya.

Nasa Singapore pa rin nga si Kris ngayon para sa kanyang mga medical test. At kahapon nga, bago pa man siya magpunta sa ospital, marami na ang natuwa sa mga post niya.
Ang isa nga ay tungkol sa paghihintay niya sa sasakyan, na ang caption niya ay, “Arte-arte muna even if naka-12 hours fasting…”

At ang isa nga ay “mensahe” muna na naglalaman ng…

“Today I decided to forgive you. Not because you apologized, or because you acknowledged the pain that you caused me, but because my soul deserves peace – Najwa Zebian.”

Para kanino ang message post niyang ‘yon? Una nga, ang akala ko ay para sa mga tatay ng mga anak niya, sina Phillip Salvador at James Yap.

Pero sa caption, kahit wala siyang binanggit na pangalan, alam mo na agad kung para kanino ang mensahe na ‘yon.

Heto ang post niya:

“I promised myself this last night, right before allowing sleep to take over: The money, somehow my 2 boys have enough (although it would ONLY be FAIR for them to get what is rightfully theirs)… the lies, the below the belt insults, and the shameless mockery of an illness that is finally an accepted part of my life’s reality- staying angry about all I’ve had to survive won’t help me HEAL, it just makes burdens I carry even heavier.

“And I realize, so many of you have it much worse than me, you don’t have access to the health care I’m on my way to NOW.

“For someone who has accepted that tomorrow is never assured, he and his family already took enough of my yesterdays. ENOUGH, way more than enough… so for me, I FORGIVE YOU FOR WHAT YOU ARE.

“SUMMARY: I’ll take care of myself, Kuya Josh, and Bimb… problema niyo na at bahala na sa inyo ang DIVINA LAW. #peaceofmind.”

Well, obyus naman na sina Nicko at Jesus Falcis ang tinutukoy niya, ‘di ba?

‘Yan naman talaga ang payo kay Kris ng maraming tao, o kahit ng mga taong malalapit sa kanya. Na huwag na niyang masyadong isipin ang problema sa dati niyang
business partner, at mas pagtuunan niya ng pansin ang kanyang kalusugan.

At siyempre, wish nila na makabalik na siya ulit sa telebisyon, at gumaling nang tuluyan.

Nadine mag-a-audition sa ‘Darna’

Willing si Nadine Lustre na mag-audition para sa papel na Darna. Nilinaw ni Nadine na hindi pa siya nag-a-audition. Sinabi nga ng Star Cine­ma head na may mga artista, modelo, atleta, beauty queen na sumalang sa kanila, na hindi na nila pinangalanan. Pero hindi pa nga kasama si Nadine doon.

Ngayon ang start ng audition na gaganapin sa compound ng ABS-CBN at sabi ni Nadine, game siya na makipagsabayan sa mga sasalang.

“Willing po ako kung sasabihan ako na mag-audition at wala pong problema.

“Kung sa akin mapupunta, it’s an honor po talaga. Malaking res­ponsibilidad po ‘yon, pero kakayanin,” sabi ni Nadine.

Sa tanong kung handa ba siya physically, hindi ang sagot niya.

“Matagal na po kasi akong hindi nagdyi-gym. Pero paghahandaan ko. Wil­ling ako mag-undergo ng training. Sabi ni Liza sobrang hirap talaga ng training, pero ok lang po, pagsusumikapan ko.”

Siyempre, game na game si Nadine na magsuot ng sexy costume ng Darna.

Anyway, sobrang happy ni Nadine na nagwagi siya ng FAMAS best actress para sa pelikulang “Never Not Love You.”

The post Kris pinatawad na sina Falcis appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *