Kris ‘pinagtabuyan’ ng sikyo

Ay, may bonggang karanasan din pala si Kris Aquino sa isang security guard, ha! At kahapon lang ‘yon nangyari.

kris pinagtabuyan ng sikyo - Kris ‘pinagtabuyan’ ng sikyo
ABANTE Kris - Kris ‘pinagtabuyan’ ng sikyo

Nagre-request pa ng selfie

Ay, may bonggang karanasan din pala si Kris Aquino sa isang security guard, ha! At kahapon lang ‘yon nangyari.

Sa kuwento, bumili ng food na pang-take out ang grupo nina Kris, kaya nag-park muna sila sa gasoline station (Petron-Camp Crame) habang hinihintay ang in-order na pagkain.

Eh, medyo natagalan nang konti, kaya agad na lumapit ang security guard, at pilit na pinaaalis ang sasakyan ni Kris. Walang idea ang guwardiya kung sino ang sakay ng van na ‘yon.

Nakiusap nga raw ang grupo nina Kris na sandali na lang at malapit na ngang matapos ang in-order nilang pagkain. Pero, ayaw raw pumayag ng guwardiya at nagalit pa raw talaga at pilit silang pinagtatabuyan.

At doon na nga lumabas ng van si Kris, para personal na makiusap sa guwardiya na pagbigyan pa sila ng kahit na ilang minuto, at tutal naman ay hindi naman sila nakakaistorbo sa mga nagpapa-gas.

Sinabi pa nga raw ni Kris na endorser naman siya ng ‘gasul’ kaya kahit ilang minuto lang talaga ay mapagbigyan pa sila.

Eh, dahil nakita nga ng mga tao si Kris, ayun na, dumagsa na ang mga tao, at lahat ay lumapit kay Kris. Lahat sila ay gustong makapag-selfie kay Kris, ha!

Makikita nga sa video na lumabas na naglalapitan, nagpapa-selfie sila kay Kris, at lahat sila ay pinagbibigyan ni Tetay, na patawa-tawa.

Eh, biglang lumapit din ang guwardiya at humiling na makapagpa-selfie kay Kris. Kung ikaw si Kris, pagbibigyan mo ba siya?

Siyempre, hindi ‘di ba?
“You’re so mean,” pangiti-ngiting sabi pa ni Kris.
“Oh, ‘di ba? Ang daming tao ang napa-happy ko ngayon,” saad pa ulit ni Kris.

Well, oo nga naman, totoo naman na ginagawa lang ng mga security guard ang trabaho nila na pangalagaan ang kapaligiran nila, pero siguro naman ay walang masama kung matuto ring makiusap nang maayos, at huwag idaan sa galit ang lahat. At mas lalong walang mawawala kung magbigay rin ng konting pasensya sa pakiusap ng mga tao, lalo na at valid naman ang dahilan, at maayos naman ang pakiusap.

Anyway, base sa video, makikita naman na tumatawa si Kris na umalis sa gasoline station na ‘yon, at ganu’n din ang security guard, na patawa-tawa rin habang pagkamot-kamot sa ulo niya.

Kaaliw, ‘di ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *