Kris, Perry kanselado ang 2021 wedding

Posibleng 2022 pa ang kasal nina Kris Bernal at Perry Choi. Dapat ay sa May 2021 na ito, pero dahil nga sa COVID-19 pandemic, naudlot muna ang mga plano nila.

The post Kris, Perry kanselado ang 2021 wedding first appeared on Abante.

kris perry kanselado ang 2021 wedding - Kris, Perry kanselado ang 2021 wedding
Kris Bernal - Kris, Perry kanselado ang 2021 wedding

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Kris, Perry kanselado ang 2021 weddingPosibleng 2022 pa ang kasal nina Kris Bernal at Perry Choi. Dapat ay sa May 2021 na ito, pero dahil nga sa COVID-19 pandemic, naudlot muna ang mga plano nila.

Sey ni Kris sa kanyang latest vlog, “May 2021 pa talaga siya, ang naging problema lang namin siguro, hindi ka makapag-reserve ngayon. Hindi kami makapag-book ng church, hindi kami makapagbuo ng team, talagang wala, zero planning kami ngayon. Hindi namin inaasikaso, hindi mo rin sure kung kailan ‘eh, hindi mo rin sure kung matutuloy sa May 2021, ‘di ba? So talagang stop muna.”

Bukod dito, hindi rin daw muna natuloy ang plano nilang magpagawa ng bahay bago ikasal.

“Siguro talagang naapektuhan, our house plans. Gusto kasi namin magpatayo ng bahay bago kami ikasal para when we get married, may sarili na kaming bahay, may uuwian kami. Sobrang naapektuhan talaga ‘yon. Nag-start na lahat ng planning, ng drawing, ng design and all pero natigil na nga.”

Sa isang banda, in all fairness kay Kris at sa jowa niya, nagsi-set ng magandang example ang dalawa na dahil nga sa risk ng COVID-19, ipinapakita nilang kahit na magkita sila, pina-practice pa rin nila ang social distancing at ayon kay Kris, March pa raw yata nang huli silang mag-kiss. As in, no kiss daw sila kapag nagkikita. Tini-treat daw nilang lahat na possible carrier ng virus.

At malinaw rin na unlike others at kahit engaged to be married na, magkahiwalay pa rin ng bahay ang dalawa at hindi living-in together.

***

Regalo ni Sharon kinamatayan ng vlogger

Napakaraming na-touched ng mga vlog ni Lloyd Cafe Cadena na ginulat ang lahat noong September 4 dahil sa biglaang pagpanaw nito. Mahigit walong milyon ang mga subscriber niya sa YouTube na napakaraming napapasaya at nai-inspire.

Yung love niya sa pamilya, lalo na sa nanay niya at pagiging generous niya, lalo’t higit sa mga dati niyang kapitbahay noong nasa squatter area pa siya nakatira.

At isa sa mga napasaya at na-inspire ni Lloyd ay ang Megastar na si Sharon Cuneta. Lingid sa kaalaman ng lahat, personal na magkakilala ang dalawa. At nakamatayan na ni Lloyd ang dapat ay regalo ni Megastar sa kanyang pinapagawang bagong bahay.

Hindi ito nakapagtataka dahil ilan na nga ba ang niregaluhan ni Mega ng mga furnitures, kabilang ang grupo ng mga beking stand-up comedians.

“Lloyd was one of my “anak-anakans.” Hinihintay ko pang sabihin mo sa akin Lloyd anak kung ano ang gusto mong gift ko sayo sa bagong bahay mo. Ang tagal-tagal na nahihiya ka pa rin magsabi. Di ka na tuloy nabigyan ng gift nitong “Inay” mo. Thank you Lloyd, sa magandang ehemplo mo sa mga kabataan at sa dami ng natulungan mo. Mamimiss ko ang pagtetextan natin,” sabi ni Megastar.

The post Kris, Perry kanselado ang 2021 wedding first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *