Kris nami-miss si Herbert

Nami-miss nga ba ni Kris Aquino si Mayor Herbert Bautista? Sa latest Facebook post ni Kris na may title na “Miss You Like Crazy,” marami agad ang humula na si Bistek nga ang tinutukoy niya.

The post Kris nami-miss si Herbert appeared first on Abante News Online.

kris nami miss si herbert - Kris nami-miss si Herbert
Abante Herbert - Kris nami-miss si Herbert

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Kris nami-miss si HerbertNami-miss nga ba ni Kris Aquino si Mayor Herbert Bautista? Sa latest Facebook post ni Kris na may title na “Miss You Like Crazy,” marami agad ang humula na si Bistek nga ang tinutukoy niya.

Sinimulan ni Kris ang kuwento sa mga linya ng kanta na may parehong titulo.

“can see the love shining in your eyes
“And it comes as such a sweet surprise
“It seems believing is worth the wait
“So hold me and tell me it’s not too late
“We’re so good together, we’re starting forever now…”
At sinundan nga ng bonggang mga linya niya na…
“A lot of people may think that I chose these lines in reference to a person… okay, maybe there’s a person I wish I could meet for the first time, all over again. When all the legal issues are behind me, and when my body had finally adjusted to my medication and I’m no longer as physically weak and susceptible to so many illnesses. Because I like taking care of people, but I hate being the helpless one.

“These lines are special because I was told the bad days become more tolerable when there’s still something in life you’re looking forward to. You need a reason to be excited about tomorrow… and it cannot just be about being a mom. Sometimes it’s okay to still dream for yourself.”

Heto pa ang ilang linya sa kuwento ni Kris:

“The replies to IG comments that they are still praying for someone to love me unconditionally are always automatically answered with THANK YOU but I’m fine & I accept I’m not meant for a relationship but that’s okay.

“For the most part I am… I would have hated someone witnessing me crumbling. But I miss having someone to share good news with. And that’s the whole irony of this life I have.”

Mahaba pa ang kuwento ni Kris, at sapat pa ‘yon para makagawa ka ulit ng ilang kuwento pa na masarap basahin.

Jane de Leon palaban sa mga rapist

Marami ang nagagan­dahan kay Jane de Leon. At tama lang siguro na ma­bigyan na rin siya ng chance na magbida sa ABS-CBN.

At ngayong hapon nga, ipakikita ni Jane ang husay niya sa pag-arte. Gaganap siya bilang isang tomboy na determindaong mapagtagumpayan ang kanyang laban para sa hustis­ya bilang isang 17-taong gulang na rape victim na si Tere sa “Ipaglaban Mo.”

Ulirang anak ang lesbian na si Tere (Jane). Siya ang pinagkukunan ng lakas ng inang si Salume “Umeng” Bandol (Meryll Soriano). Titigil siya sa pag-aaral para makatulong sa pamilya at mamasukan na kasambahay sa mabuting mag-asawang sina Cora (Lara Morena) at Jerome (Michael Rivero). Dahil sa ipinakitang katapatan at kabaitan, tinulungan ng mag-asawa na makapagkolehiyo si Tere.

Ngunit magiging mapaglaro ang kapalaran at pagsasamantalahan siya ng mga kaibigang sina Makot (Josef Elizarde) at Dandan (Lloyd Zaragosa) sa loob ng bahay mismo ng mga amo ni Tere at tatakutin pa na papatayin kapag magsumbong.

Ililihim ni Tere ang sinapit — hanggang sa maulit ang panghahalay sakanya. Dito magtatangka si Tere na tapusin ang buhay, ngunit madidiskubre nilang mag-ina na nagbunga ang kahayupang dinanas niya.

Magkakaroon ng lakas ng loob si Tere para ihabla ang mga sangkot sa krimeng ginawa sakanya. Ano ang magiging hatol ng korte sa matapang na paglaban nito sa mga gumahasa?

Tutukan sa “Dignidad,” sa direksyon ni Tak Gordon Barrios.

The post Kris nami-miss si Herbert appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *