Kris naloka sa ‘Binay’ miting de avance

Hindi iniwan ni Bimby ang nanay niyang si Kris Aquino sa ‘pagla-lagare’ nito sa birthday party ni Sen. Bam Aquino (na sa labas ng Maynila ginawa) at sa pagdalo naman niya sa isang event ng magkakapatid na Binay (Sen. Nancy Binay, former Mayor Junjun Binay, at Anne Binay).

The post Kris naloka sa ‘Binay’ miting de avance appeared first on Abante News Online.

kris naloka sa binay miting de avance - Kris naloka sa ‘Binay’ miting de avance
ABANTE kris 1 - Kris naloka sa ‘Binay’ miting de avance

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Kris naloka sa ‘Binay’ miting de avanceNiligaw ng ‘Waze’

Hindi iniwan ni Bimby ang nanay niyang si Kris Aquino sa ‘pagla-lagare’ nito sa birthday party ni Sen. Bam Aquino (na sa labas ng Maynila ginawa) at sa pagdalo naman niya sa isang event ng magkakapatid na Binay (Sen. Nancy Binay, former Mayor Junjun Binay, at Anne Binay).

Sinamahan nga ni Bimby si Kris dahil ‘not feeling well’ nga ito.

“BP is low, 80/60. But went to greet advanced HAPPY BIRTHDAY to @bamaquino #9 and had the pleasure of conversing with @cheldiokno #25. Now on our way to surprise a super special friend who is also celebrating her birthday in a few days at their event. (Bimb knew I wasn’t feeling strong so he said sasamahan nya ko,” sabi ni Kris.

At ‘yun na nga, diretso sa Makati sina Kris at Bimby, na kung saan ay ginanap ang isang miting de avance ng grupo nina Junjun Binay.

May nagsabi kay Kris na hindi na pala maganda ang kanyang pakiramdam, kaya dapat ay nagpahinga na lang siya. Na hindi niya dapat isinugal ang kalusugan niya, lalo na sa lugar na maraming tao.

“Today I wasn’t healthy (BP is still low) but diba pag gusto may paraan, kung ayaw may dahilan? My Ate was really worried, check nang check. Bed rest ako whole day tomorrow & maybe til Wednesday. Thank you sa concern,” sabi ni Kris.

Nag-post nga si Kris ng slides (photo/video) nila nina Bimby na kasama sina Sen. Nancy, Junjun at Anne (na itinuturing niyang isang malapit na kaibigan). Heto nga ang post ni Kris:
“Keep smiling and keep shining
“Knowing you can always count on me, for sure
“That’s what friends are for
“In good times and bad times
“I’ll be on your side forever more
“That’s what friends are for
“Advanced Happy Birthday @annebinay & also to Senator @nancybinay. Tonight was for you, Anne… I hope I made you & your mom feel my genuine & lifelong LOVE. Advanced Happy Mother’s Day to Dra!” caption ni Kris.

Anyway, bitbit ni Kris si Erik Santos sa event na ‘yon, na regalo nga raw niya kina Anne at Nancy na magsi-celebrate ng birthday ngayong buwan ng Mayo.

Siyanga pala, may kakaaliw na nangyari sa pagpunta na ‘yon nina Kris sa event nina Nancy, Junjun, Anne, dahil ayon kay Kris, iniasa nila sa ‘Waze’ ang pagpunta sa lugar. At iti-nuro nga raw sila sa isang mala-miting de avance rin, na may mga tao na rin.

Pero, naloka raw si Kris, dahil ibang mga mukha ang nakalagay sa mga tarpaulin, poster, kaya hindi muna siya bumaba ng sasakyan para umakyat sa entablado. At ‘yun na nga, magkasabay pala ang miting de avance nina former Mayor Junjun Binay, at Mayor Abby Binay (na una nga nilang napuntahan dahil sa ‘Waze’).

Halos magkadikit kasi ang miting de avance ng dalawang magkatunggali. Maliligaw ka talaga lalo na at pareho nga sila ng apelyido, at nakasarado rin ang ibang kalsada, kaya possible talagang mapadpad ka sa lugar na hindi mo inaasahan.

Kaya ‘yun na, tawang-tawa si Kris sa speech niya sa stage nina Nancy, Junjun, at Anne.

Well, super blooper nga talaga ‘yon kung nagkataon na umakyat siya sa stage ng ibang kandidato.

Pero knowing Kris, hindi siya lalabas ng sasakyan hanggang hindi malinaw sa kanya kung nasa lugar na ‘yon na ang mga taong mahal niya.

The post Kris naloka sa ‘Binay’ miting de avance appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *