Kris nakakatakot ang acting

Marami ang naiintriga sa bagong suspense-thriller teleserye ng GMA-7 na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko na pagbibida-han nina Kris Bernal, Rayver Cruz, Kim Domingo at Megan Young.

The post Kris nakakatakot ang acting appeared first on Abante News Online.

kris nakakatakot ang acting - Kris nakakatakot ang acting
abante Kris 1 - Kris nakakatakot ang acting

abante talbog joe barrameda 336x224 - Kris nakakatakot ang actingMarami ang naiintriga sa bagong suspense-thriller teleserye ng GMA-7 na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko na pagbibida-han nina Kris Bernal, Rayver Cruz, Kim Domingo at Megan Young.

Umani ng papuri ang teaser ng teleserye at marami ang nasindak sa acting ni Kris na mukhang gaganap bilang isang multo na gagambala sa buhay mag-asawa na sina Megan at Rayver.

Sabi pa ng YouTube user na si Romel Garalza, “In fairness ah bagay sa kanya ang role kontrabidang multo.”

Tunghayan ang nakakagimbal na istorya ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko simula Hulyo 22 sa GMA-7 Afternoon Prime.

Beteranong aktor namangha sa husay ni Bitoy

Parte ng bigating cast ng pelikula ni Bitoy na ‘Family History’ ang beteranong aktor na si Nonie Buencamino. Isa rin siya sa mga bilib na bilib sa Kapuso Comedy Genius sa pagsusulat, pagdirek, at pagproduce ng film na ito.

“Namamangha ako sa kaniyang disiplina, concentration, mahirap ‘yun skill na ganun, umarte at a-analyze ka kung ano nangyayari sa eksena, which I’m very happy to be part of the process,” sabi ni Nonie.

Kasama rin sa movie offering ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment sina Dawn Zulueta, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, John Estrada, Ina Feleo, at marami pang iba.

Alden mahusay magtimpla ng alak

Mukhang exciting ang pilot episode ng Mars Pa More na may bagong bihis sa bago rin nitong tahanan sa GMA-7. Makikisaya lang naman kasi ang kinakikiligang Kapuso actor na si Alden Richards na magpapamalas ng kaniyang bartending skills at gagawa ng refreshing drinks na swak for moms and dads.

Bukod pa riyan, magpapakitang gilas din sa boxing ang anak ni Camille Prats na si Nathan habang ang anak naman ni Iya Villania na si Primo ay ipaghahanda sila ng katakam-takam na brownie-shake snack combo.

Maki-bonding na kasama sina Iya at Camille sa Mars Pa More simula July 8 sa GMA-7.

The post Kris nakakatakot ang acting appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *