Kris nagsalita sa pag-unfollow kay Claudine

Ayaw tantanan ng mga netizen si Kris Aquino tungkol sa sitwasyon nila ni Claudine Barretto ngayon.

The post Kris nagsalita sa pag-unfollow kay Claudine appeared first on Abante News Online.

kris nagsalita sa pag unfollow kay claudine - Kris nagsalita sa pag-unfollow kay Claudine
Untitled 4 24 - Kris nagsalita sa pag-unfollow kay Claudine

Ayaw tantanan ng mga netizen si Kris Aquino tungkol sa sitwasyon nila ni Claudine Barretto ngayon.

Marami nga ang nag-aabang, okey ba talaga sina Kris at Claudine, ngayong super close na ang huli sa ate niyang si Gretchen Barretto, na walang kasawa-sawang tirahin si Kris?

Sabi ni joselitojose77: “Bitter ka kasi inanfollow mo si Claudine sa IG tulad ng sinabi nya okay kau. Ang tanong okay kaba sa kanya?”

Ang sagot ni Kris: “@joselitojose77 sir, if i continued to follow ang sasabihin nyo naman plastic ako. Habang DEMOCRACY pa ang (Pilipinas) pabayaan nyo na po ako. We can remain friends in real life… following a person on social media isn’t proof of affection. Keeping a respectful silence is actually a more sincere gesture.”

Sumagot ulit si joselitojose77: “@krisaquino sorry po sorry sa word na bitter gusto ko lang po klaruhin kung okay ba kayo ni Claudine tulad ng sinabi nya okay kayo. Sana lang di humantong sa inanfollow nyo sya ha­yaan nyo ang mga taong nagsasabi na plastik ka na alam mo naman ang totoo na hindi totoo.mas lalong nagtaka ang tao bat inanfollow mo si claudine…love ko ka­yong pareho.”

Hirit naman ni prettykitty210: “@joselitojose77 Dapat lang unfollow dahil makikita nya yung taong naninira sa kanya! Not good for her health! Bitter yung taong hindi masaya at War freak!”

Eh, hirit na tanong ulit ni kimberguardo: @krisaquino tanong lang po ok na ba kayo n ms Claudine?”

At sumagot nga ulit si Kris: “@kimberguardo we have never been not okay. I believe she answered that very clearly. And I am happy for her that this bridge has been rebuilt because the TRUTH will always be- “how could we not talk about family when family’s all that we got?” Sincerely I am happy for Clau-clau.”

Oh, klaro naman siguro ‘yon, di ba? (Dondon Sermino)

The post Kris nagsalita sa pag-unfollow kay Claudine appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *