Kris mahal pa rin ni Herbert

Daming kinilig sa ‘He said, She said’ nina Kris Aquino at Herbert Bautista.

The post Kris mahal pa rin ni Herbert first appeared on Abante.

kris mahal pa rin ni herbert - Kris mahal pa rin ni Herbert
abante herbert kris - Kris mahal pa rin ni Herbert

FINAL columnists Palaban to no Dondon Sermino 3 1 300x180 - Kris mahal pa rin ni HerbertDaming kinilig sa ‘He said, She said’ nina Kris Aquino at Herbert Bautista.

Inilabas nga ni Kris sa kanyang Instagram ang ‘collaboration’ nilang ito ni Bistek, courtesy of Cornerstone Entertainment Inc. (talent management nilang pareho).

“7 years after… #friendzone,” ang caption ni Kris sa video na `yon nila ni Bistek.

Anyway, unang tanong nga sa kanila, ‘What is love for you?’

“I didn’t believe my mom before, but now I do. She always said, for you to be love, it has to bring out the best in you.

“Love should make you want to be a better person, and you should want that person to shine,” sagot ni Kris.

“Tama siya! Hahahaha!” sabi naman ni Bistek.

“Love is sacrifice,” hirit ni Bistek.

“It shouldn’t feel like sacrifice,” giit ni Kris.

“But because nga dahil love mo, it doesn’t feel like sacrifice or anything!” saad pa ni Kris.
Pinilit pang magpaliwanag ni Bistek, pero mas nanaig nga ang boses ni Kris.

At pangalawang tanong, ‘Do you believe in second chances?’

“No!” sagot agad ni Kris.

“Wala pa ngang first chance, second chance na kaagad! Hahahaha!” reaksiyon naman ni Bistek.

“Kung hindi niya napa-work the first time around, there was a reason.”

May sinabi si Bistek, pero agad din humirit si Kris.

“You have to be married, I’ve been married,” sabi ni Kris kay Bistek.

“Sabihin ko na, ilang times ako nag-try, you knew when its broken. And I said this before, once its broken, the people trying to pick up those broken pieces, end u na pareho silang sugatan. So pag basag na talaga, let it go!” saad ni Kris.

“Walang pure love?” hirit ni Herbert.

“No offense sa mga taong natatamaan, pasensiya na po,” sabi lang ni Kris.

Ipinaliwanag ni Herbert kay Kris na maraming degree ang pagmamahal.

“May love ng 18, may love ng 29, may love ng 35, may love ng 49.”

Bumalik nga ang usapan nila tungkol sa ‘love is sacrifice.’

At sabi nga ni Kris, “There were portions that I really felt I was sacrificing. So…”

“Doon sa marriage mo?” tanong ni Herbert kay Kris.

“And also sa’yo! Hahahaha!” sagot naman ni Kris.

Tinanong sila tungkol sa ‘perfect date’?

Ang gusto ni Herbert ay groupd date, dahil hindi raw siya marunong makipag-date.

Pero sabi ni Kris, mas bet niya ang ‘long drive’ na silang dalawa lang nag-uusap.

Napag-usapan din nila ang tungkol sa nangyari sa abroad na inutusan daw si Herbert ng ilang Pinoy roon na kunan sila ng picture na kasama si Kris. Nagtawanan lang sila nang maalala ang chapter na `yon sa buhay nila.

Tanong ulit sa kanila, ‘ano ang natutunan mo sa past relationship mo?’

“Not to get into relationship anymore!” agad na sagot ni Kris.

“Wala akong natutunan, eh,” sabi ni Herbert na patawa-tawa muna.

“Korek kita doon, ha! Nasasaktan ang mga ex mo sa sinabi mong `yan. Be careful,” sabi ni Kris kay Herbert.

“Natutunan ko na maging patient, quiet, magsalita lang pag kailangan, para walang away,” hirit maman ni Herbert.

Ano ang mahalaga sa kanila, ‘itsura o talino’?

“Looks ako. ‘Yung totoo ha, I’m working in a virtual medium. I’m not a professor. I’m not a teacher. So I need this (face) for us to continue earning. At least, inaamin ko na kailangan maging vain sa larangan na pinasok ko,” sabi ni Kris.

“Intelligence, kasi wala namn ako noong looks. Hahaha!” pabirong sagot ni Herbert.

Sabi nga niya, sa simula ay mahalaga ang itsura, pero pagdating ng panahon, mas mahalaga pa rin ang laman ng utak.

“Pag meyo may edad na kayo, utak na pinapagana niyo!” say ni Bistek.

Gaano kahalaga ang tagumpay sa buhay nila?

“Measurement ng success kung paano mo napalaki mga anak mo. Para sa akin pag napagtapos mo mga anak mo, maganda ang buhay nila, good citizen, that’s for me ang sukatan ng tagumpay,” sabi ni Herbert.

Pero, iba naman ang hirit ni Kris:

“Di ba nasabi ko sa iyo before, I think you would have love me more if I was less successful.”

Na sinagot naman ni Bistek na: “Kahit na successful ka, love kita! Hahahaha!”

Anyway, mababasa nga ang reaksiyon ng mga fan at kaibigan nila.

“Naloloka ako dito! As in parang kinilig ako na ‘di ko maintindihan!” sabi ni RB Chanco, ang makeup artist ni Kris.

“Bakit parang mas kinilig pa ako sa kanila, kesa sa mga love team sa teleserye?” hirit naman ng ibang fan.

Well…

The post Kris mahal pa rin ni Herbert first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *