Kris, Joshua binago buhay ng 3 pamilya

Maagang nagising sina Kris Aquino at Joshua kahapon (Nov. 10), dahil may bongga silang paandar, katuwang ang Shopee, na bagong endorsement ni Tetay.

The post Kris, Joshua binago buhay ng 3 pamilya first appeared on Abante.

kris joshua binago buhay ng 3 pamilya - Kris, Joshua binago buhay ng 3 pamilya
Kris Aquino 10 - Kris, Joshua binago buhay ng 3 pamilya

dondon sermino 15 - Kris, Joshua binago buhay ng 3 pamilyaMaagang nagising sina Kris Aquino at Joshua kahapon (Nov. 10), dahil may bongga silang paandar, katuwang ang Shopee, na bagong endorsement ni Tetay.

Dapat sana ay si Bimby ang isasama ni Kris, pero dahil minor nga ito (13), kaya hindi pa puwede, base na rin sa patakaran ng IATF. Kaya si Joshua na nasa tamang edad na ang bitbit ni Kris.

Anyway, bongga nga ng tatlong pamilya na sasadyain, o imi-meet nina Kris at Joshua, dahil siguradong mababago ang buhay nila.

Sa chika ni Kris sa Instagram, bagamat hirap na hirap siyang magsalita sa sobrang paos, pinilit niyang ikuwento na sobrang excited siya na sinunod ng Shopee ang kagustuhan niya na magbigay tulong sa mga nangangailangan.

“Wala pa akong boses, pero kakayanin ko, kasi may mga isusurpresa, kaya nagpapasalamat ako sa Shopee, na one of my dreams, na matagal na ngang idea ko, matutupad na,” sabi ni Kris.

Paskong Pinoy bumida sa Disney UK

Nakaka-proud mapanood sa YouTube channel ng Disney UK ang ‘Paskong Pinoy’, ha! Makakaramdam ka nga ng saya sa puso habang pinapanood ang Disney’s Christmas ad.

Makikita nga sa simula ang pagdating ng isang ama, na sinalubong ng kanyang anak na babae, at isang lola. At maririnig din ang sigaw na ‘baluuuttt’ na sa Pilipinas nga lang mararanasan.

Makikita sa susunod na kuwento na mag-isa na lang ang isang lola, dahil ang apo na babae ay may nilakad, at Pasko nga ang okasyon noong araw, oras na `yon.

Pero, hindi natiis ng apo ang kanyang lola, at agad umuwi, inayos ang kanilang bahay, nilagyan ng mga parol, kaya pagbaba ng lola mula sa pagtulog, nagulat at natuwa siya sa nasaksihan.

Ganun nga ang Paskong Pinoy, na kahit ano pa man ang mangyari, magsasama at magsasama pa rin sa espesyal na okasyon.

Mababasa na sa mensahe ang pagka-miss ng mga Pilipino na nasa abroad sa kanilang mga lola dahil sa kuwentong ito ng Disney.

John Lloyd tuloy na sa TV5: Bea mas bet ng mga fan kesa Toni

Mukhang matutuloy na ang project ni John Lloyd Cruz sa Brightlight Productions ni Mr. Albee Benitez, ha! Lumabas nga ang mga report na nakita na si Lloydie sa upisina ng Brighlight Productions.

Kunsabagay, noon pa man ay balita na nga na gustong dalhin ni Mr. Benitez at Direk Bobot Mortiz ang Home Sweetie Home (na siyempre papalitan ng titulo) sa TV5, at sina John Lloyd at Toni Gonzaga pa rin ang gusto nilang maging mag-asawa.

Anyway, may mga iba lang na humihiling n asana ay si Bea Alonzo na lang ang ipareha kay John Lloyd sa sitcom na `yon. Tutal naman daw ay may asawa na rin si Toni at busy pa sa mga trabaho nito (talkshow) sa Kapamilya channel, kaya mas bongga raw kung si Bea na ang makasama nito.

Well…

The post Kris, Joshua binago buhay ng 3 pamilya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *