Kris inatake ulit ng sakit

Awang-awa na naman ang mga fan kay Kris Aquino. Eh kasi naman, muli siyang inatake ng sakit niya.

The post Kris inatake ulit ng sakit first appeared on Abante.

kris inatake ulit ng sakit - Kris inatake ulit ng sakit
Kris Aquino 3 1 - Kris inatake ulit ng sakit

Awang-awa na naman ang mga fan kay Kris Aquino. Eh kasi naman, muli siyang inatake ng sakit niya.

Kaya ang dapat sana ay bonggang announcement ng mga winner sa ‘parafol’, pa-game niya bilang endorser ng Shopee, na-delay, at ngayon nga, Dec. 22 na lang magaganap.

Dapat sana ay si Bimby ang maga-announce ng kaganapan, na postponed nga muna ang event na `yon, pero dahil sabi ni Kris, naka-take 7 na raw ay hindi pa magawa ni Bimby. Sinisi niya ang kulitan nina Bimby at Josh sa paulit-ulit na pagti-take ng spill ni Bimby.

“I have migraine. Meron akong mga allergy sa mukha, urticaria. The reason why I’m talking right now, kahit may migraine ako, kasi take 7 na ito, ewan ko sa pinaggagawa ng dalawa.

“Anyway, please pray for na maging okey. I’ll be okey. Dec. 22.

“I’m not allowed to take pain reliever. So sorry, baka kung ano pa ang mga masabi ko,” sabi ni Kris.

Umulan naman ng mga panalangin na gumaling na si Kris sa mga social media niya. (Dondon Sermino)

The post Kris inatake ulit ng sakit first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *