Kris haharap sa mga kalaban ngayon

Ngayon na nga ba magaganap ang ina­abangang paghaharap nina Kris Aquino at Nicko Falcis?

The post Kris haharap sa mga kalaban ngayon appeared first on Abante News Online.

kris haharap sa mga kalaban ngayon - Kris haharap sa mga kalaban ngayon
kris aquino 1 - Kris haharap sa mga kalaban ngayon

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Kris haharap sa mga kalaban ngayonNgayon na nga ba magaganap ang ina­abangang paghaharap nina Kris Aquino at Nicko Falcis?

Heto nga ang Instagram post ni Kris:

“TRUTH: I have a board meeting tomorrow (Friday) with my ‘partners’ in Potato Corner + Nacho Bimby. Haharapin ko on my own yung mga taong kumampi kay nicko at nagsanib pwersa sa kagustuhang pabagsakin ako…

“My lawyers told me they can go on my behalf pero may katangian akong kayang ipagmalaki- hindi ako duwag.

“I remember telling you that it’s in life’s happy moments I miss my mom BECAUSE I loved seeing her proud of her bunso… but these past few days, I wish heaven would briefly share her with me, kahit sa Friday afternoon lang bago ko sila harapin, dahil ang mom, hindi sya ever pumayag na abusuhin na lamang ako, lalo na ng isang pamilyang feeling entitled na magsinungaling at bastusin ang buong pagkatao ko…

“I’m honest enough to say I am afraid of tomorrow’s meeting because I’m entering the lions’ den. And my wounds are still healing. So it’s a gi­ven, they can smell blood.
“Sila ang pumili ng venue, sila ang nagtakda ng oras at araw…”

Dasal nga ng mga tagahanga ni Kris na mas maging malakas siya, at maging maayos ang lahat sa magaganap na meeting nila na ‘yon.

Galawgaw, jologs: Alex ‘di ikinahihiya ang pagiging Pinoy

Galawgaw. Kalog. Jologs.

Ganyan nga ang image o pagkakakilala ng marami kay Alex Gonzaga. Kaya super nagulat ang lahat na makita siya na nagkakampanya para sa isang party-list with a powerful advocacy.

‘Di ba nga, kung ti­tingnan mo, parang mahirap seryosohin si Alex. Eh, sa sagutan, harutan, talakan, pabirong sakitan nila ni Luis Manzano, mahirap ngang isipin na may seryoso side rin pala ang sister ni Toni Gonzaga.

Bakit nga ba biglang nagbago ang ihip ng ha­ngin kay Alex?

“I know that people say that whenever we come to an election year, it’s open season for those of us in showbiz for politicos looking for popular endorsers,” seryosong sabi ni Alex.

“But for me, it’s not as simple as that. Kailangan ay naniniwala ako sa ipino-promote ko. Mahirap hilingin sa tao na iboto ang isang tao o party na hindi mo pinaniniwalaan. That is why I immediately said yes to Juan Movement Party List when they asked me to endorse them,” sambit pa niya.

Bilib na bilib nga si Alex sa Juan Movement, na sabi nga ay ang party-list ng mga bagong Pilipino.

“Someone once said that sometimes you have to take a step back to move forward, and I firmly believe in that,” sabi ni Jun Llave, Juan Movement’s first nominee.

“Naniniwala ako na ang problema ng ating bayan ay nagmumula sa kakulangan sa pagmamahal sa bayan, sa ating kultura at sa ating mga tradisyon. Ito ang nais ibalik ng Juan Movement upang magkaroon tayo ng tamang pondasyon at tibay sa ating pagharap sa mga pagsubok na dumadating sa ating bayan,” dugtong pa ni Jun.

“Korek ‘yan! Dapat proud ka sa pagiging Pinoy, proud ka kung saan ka nanggaling,” pahayag ni Alex.

At siyempre, dahil artista si Alex, natural na ang isa sa mga plano nilang tulungan ay ang Philippine movie industry.

“I believe that our movie industry must be given more significant incentives in terms of go­vernment investment in the field of arts and culture, particularly in supporting the training of our technical staff so that we are assured of the continuous production of quality mo­vies,” sey pa rin ni Jun.

The post Kris haharap sa mga kalaban ngayon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *