Kris feels: Duterte totoong tao

Tinutukan ni Kris Aquino ang SONA ni President Rodrigo Duterte last Monday (July 22). Sanay na sanay si Kris sa SONA, dahil mula sa nanay (Cory Aquino) niyang naging president, hanggang sa kuya (Noynoy Aquino) nga ay palagi nga siyang present kapag nagsu-SONA sila.

The post Kris feels: Duterte totoong tao appeared first on Abante News Online.

kris feels duterte totoong tao - Kris feels: Duterte totoong tao
Kris 2 - Kris feels: Duterte totoong tao

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Kris feels: Duterte totoong taoTinutukan ni Kris Aquino ang SONA ni President Rodrigo Duterte last Monday (July 22). Sanay na sanay si Kris sa SONA, dahil mula sa nanay (Cory Aquino) niyang naging president, hanggang sa kuya (Noynoy Aquino) nga ay palagi nga siyang present kapag nagsu-SONA sila.

At kapag SONA rin, palaging hinihintay ng mga tao ang opinyon, reaksiyon ni Kris. At kahapon nga, hindi sila nabigo kay Kris.

Heto nga ang post ni Kris sa Instagram:
“I watched the SONA in full. Bakit si President Duterte kayang bigyang halaga ang hinaing ng lahat ng mga tao? Sa mala-lang traffic? Sa mahirap na pagbayad sa SSS, Pag-Ibig, Customs etc? Umaksyon siya at tinanggal yung mga palpak at corrupt sa Philhealth.

“Sinabihan tayo na pag may nakitang mali, karapatan nating magreklamo at mag-ingay dahil tayo ang nagpapasuweldo at nagpapa-andar sa gobyerno. Bakit yung pinakamakapangyarihan kayang umamin sa taong bayan na marami pang dapat ayusin? Matapang na umamin in 35 years sya mismo nahirapang labanan ang corruption. Napahanga nya ko… Kaya sana, tumulad na lang tayo sa pagka-AUTHENTIC ni Presidente Duterte, hindi nagyayabang, direcho magsalita.

“We keep saying we deserve a better country, that starts with accoun-tability. We can have a better 🇵🇭 BUT that starts with us. #krisfeels.”

Tetay nagsalita sa pagiging ‘dilawan’ ni Imee

At siyempre, dahil si Kris Aquino ang nagbigay ng opinyon, kanya-kanyang tanong, pagpapansin, pang-iinis, pamimikon, pagmamahal, suporta ang sumulpot.

Hirit ni jennylindsison: “bakit c Noynoy di nya kaya bigyang ha-laga ang hinaing ng lahat ng tao?”

At sagot ni Kris: @jennylindsisonpinagbawalan ako to speak on his behalf especially about his admin… Ngayon pa lang kami medyo (i emphasize medyo) PEACE, so for the sake of family (especially kuya josh) & my mom’s 10th death anniversary please let’s not go there. Ang laking gulo na nung nagsalita ako before elections so anything about his political life, i promised QUIET ako.”

Sabi naman ni neon_nj.ecom: “Nagdilaw po si Sen. Imelda sa SONA yesterday.

Ano pong masasabi niyo tungkol don? Kasi yellow symbolizes the Liberal Party which is their rival?

Sagot ni Kris: “@neon_nj.ecom 1st yellow isn’t LP. Yellow comes from TIE A YELLOW RIBBON (the song) for my Dad. If it’s a sincere gesture to reach out, acknowledge past sins, and show remorse- i shall meet them halfway. We can move forward but we can do that only by acknowledging the past. Sen.
Imee has never heard from me about my childhood & i have never heard about her history as well. We should be open to conversation to understand our lives. Fair enough?”

Eh, humirit ulit si neon_nj.ecom: “@krisaquino sorry po nagmamarunong ako. Seriously sinabi din po niya na sawa na siya sa hidwaan. Sobrang tagahanga po ako ng pamilya niyo lalo na nang iyong ama’t ina na ang laki ng ambag sa kalayaang meron tayo ngayon.”

At sagot ni Kris:“@­ne­on_nj.ecom your emoji is disrespectful. Hindi ako nagsisimula ng away pero wala rin akong ina-atrasan. Stay away from my feed, please?”
‘Yun na!!!

The post Kris feels: Duterte totoong tao appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *