Kris ‘di umalma: Bimby pinalabas sa sinehan

Hindi nakalusot si Bimby Aquino sa staff ng Ayala Cinemas kung saan isinama siya ni Kris Aquino na manood ng “Kuwaresma” nitong nakaraang araw.

The post Kris ‘di umalma: Bimby pinalabas sa sinehan appeared first on Abante News Online.

kris di umalma bimby pinalabas sa sinehan - Kris ‘di umalma: Bimby pinalabas sa sinehan
Kris Aquino 2 - Kris ‘di umalma: Bimby pinalabas sa sinehan

abante i know better jun nardo 336x224 - Kris ‘di umalma: Bimby pinalabas sa sinehan
Hindi nakalusot si Bimby Aquino sa staff ng Ayala Cinemas kung saan isinama siya ni Kris Aquino na manood ng “Kuwaresma” nitong nakaraang araw.

Sa kuwento ni Kris sa kanyang Instagram, ang 7:55pm screening ng Sharon Cuneta movie ang pinili nilang pasukin kasama sina @rochelleahorro at @biancailuntayao at si Bimby.

“Since Bimb is so tall, Rochelle said hindi na mapapansin – and Bimby & I really wanted to watch @reallyshatoncuneta’s movie,” bahagi ng caption ni Kris.

Malas nga lang dahil nahuli sila ng staff ng sinehan na naging apologetic sa kanila. Famous daw sila kasi at alam ng lahat na 12 years old pa lang si Bimby.

Eh ang rating ng MTRCB sa “Kuwaresma” ay R-13 at R-16 so hindi talaga puwedeng manood ang anak niya. Napanood naman nila ang movie nang halos 30 minutes bago sila pinaalis ng sinehan.

“Creepy, and the 3 main actors, Sharon, @johnarcila and the fresh discovery portraying ‘Luis’ were all completely immersed in their roles and the epia feel of the cinematography gave the movie a hard to distinguish the time frame (was guessing the 1960s-70s). The musical scoring had a lot to transport us to the past,” caption ng TV host-actress.

Dahil bitin ang pa- nonood, hihintayin na lang ni Kris na ilabas ito sa VOD para mabuo ang horror film. Nangako kasi siya kay Bimby na hindi niya ito panonoorin nang wala ang anak.

Of course, ayaw bigyan ng rason ni Kris ang mali nilang ginawang pagpuslit sa anak dahil nahuli sila.

“But in reality is in a few months time he’ll be able to watch Kuwaresma through Video on Demand…

“But Mama has learned her lesson, R-13 movies showing in cinemas will wait until April 2020. #motherhood #lifelessons.”

Sa totoo lang, mahigpit sa mga sinehan ang MTRCB pero walang regulasyon pagdating sa gadgets, nagagawa itong panoorin ng mga bata, huh!

The post Kris ‘di umalma: Bimby pinalabas sa sinehan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *