Kris, Derek ‘date’ hinadlangan ng sakit

Sunod-sunod ang pag-iimbita ni Derek Ramsay sa mga kaibigan niya sa showbiz na dumalaw sa bahay niya, mag-dinner, uminom, at magkuwentuhan.

The post Kris, Derek ‘date’ hinadlangan ng sakit first appeared on Abante.

kris derek date hinadlangan ng sakit - Kris, Derek ‘date’ hinadlangan ng sakit
Kris x Derek - Kris, Derek ‘date’ hinadlangan ng sakit

FINAL columnists Palaban to no Dondon Sermino 3 1 300x180 - Kris, Derek ‘date’ hinadlangan ng sakitSunod-sunod ang pag-iimbita ni Derek Ramsay sa mga kaibigan niya sa showbiz na dumalaw sa bahay niya, mag-dinner, uminom, at magkuwentuhan.

At isa nga si Kris Aquino sa inimbita rin ni Derek, pero dahil sa sakit niya, hindi natuloy ang dinner ‘date’ nila, ha!

“Bimb & I were supposed to have dinner w/ the Ramsay family last weekend, unfortunately the unpredictability of my autoimmune manifestations (migraine, the chronic spontaneous urticaria, and the fatigue) struck and as much as i wanted to & tried to- i just couldn’t make myself get out of bed.

“@ramsayderek07 thanks for making Bimb feel so welcomed & I really appreciate our 16 years of friendship… hearing from him how tight knit your family is & for him to say, the 2 of us would definitely have been out talked (yes, sinabi nya mas madaldal & opinionated kayo) made me regret missing that experience. #friendship #family.”

Naku, for sure, kung nagkataon na natuloy `yon, siguradong ili-link din ng mga netizen si Kris kay Derek. Di ba nga, mula noong maghiwalay sina Derek at Andrea Torres, inili-link si Derek sa lahat ng mga nakakasama niya, kahit sa kaibigan niyang lalake, at kay Ellen Adarna nga ngayon.

***

Jose Sarasola pinakaseksing chef sa Pinas

Para sa Kapuso chef na si Jose Sarasola, dream come true ang mapabilang sa isang cooking show. Itinuturing niya itong magandang blessing sa pagpasok ng taong 2021.

Kasama si Iya Villania, parte si Chef Jose ng bagong cooking show ng GMA Network na ‘Eat Well, Live Well. Stay Well.’ Sa press conference ng programa, ibinahagi ni Chef Jose kung gaano siya ka-thankful para sa mga natatanggap na opportunity bilang Kapuso, “It’s been really a whirlwind year for me. Moving to the GMA family really opened a lot of doors for me. Nag-start siya sa ‘Unang Hirit,’ which I am still doing up to this day pa rin. Other brands have been coming in.”

Anyway, si Chef Jose nga ang maituturing na pinakaseksing chef sa Pilipinas, ha! Ang ganda ng body niya, at ang guwapo pa niya.

Mapapanood ang Eat Well, Live Well. Stay Well. simula ngayong Biyernes, 11:20 a.m., sa GMA Network.

***

Jong Madaliday ‘pinusuan’ ng Danish singer

Hindi makapaniwala ang Kapuso singer na si Jong Madaliday na napansin siya ng Danish singer-songwriter na si Maximillian.

Ang hit song ng foreign singer na “Beautiful Scars” kasi ang inawit ni Jong sa mga babaeng nakikilala niya sa online chat website na Omegle para sa isang vlog. Komento ni Maximillian sa Facebook post ng The Clash alumnus, “Thanks for singing my song.”

Makikita sa nasabing vlog na humanga sa magandang boses ni Jong ang random foreign girls na kanyang hinarana.

Sa ngayon, mayroon ng mahigit one million views ang nakakaaliw na vlog sa Facebook page ni Jong. Mapapanood din ito sa YouTube channel ni Jong.

The post Kris, Derek ‘date’ hinadlangan ng sakit first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *