Kris biniyayaan mga jobless

Sunud-sunod na ang mga Instagram post ni Kris Aquino. Mula sa matatangkad niyang mga anak na sina Josh at Bimby, hanggang sa mga bagong produkto na inilalako niya sa publiko.

The post Kris biniyayaan mga jobless first appeared on Abante.

kris biniyayaan mga jobless - Kris biniyayaan mga jobless
abante kris aquino 2 1 - Kris biniyayaan mga jobless

dondon sermino 10 - Kris biniyayaan mga joblessSunud-sunod na ang mga Instagram post ni Kris Aquino. Mula sa matatangkad niyang mga anak na sina Josh at Bimby, hanggang sa mga bagong produkto na inilalako niya sa publiko.

At siyempre, sa bawat post ni Kris, libo agad ang like at komento, na karamihan ay natutuwa, at nagtatanong, kung kailan ba siya ulit mapapanood sa telebisyon. Lahat nga sila ay nagsasabing miss na miss na nila si Tetay, at nanghihinayang sila na hindi ito natuloy sa TV5.

Marami rin ang nakapansin na tila mas bumata, gumanda si Kris ngayon.

“Beauty comes from within, most especially when you make others feel better about themselves. Unfortunately we can’t avoid these stressful times, neither can we prevent ourselves from getting older.

“I’ve also had to confront the physical challenges of having autoimmune conditions- that’s why i need a safe, non-invasive procedure to help lift me up and bring out the best version of my skin and i’m achieving that with @ultherapyPH,” chika ni Kris sa kanyang bagong endorsement.

Malaki nga raw ang tulong ng ini-endorse niyang ito para hindi tuluyang lumaylay ang kanyang mukha.

“I’ve always believed that you can complain about your situation or you can do something to change it. If you need a confidence boost or if you feel you need a break after all these months of anxiety, there’s nothing like bringing out #TheBestU by trying Ultherapy® for your skin. Just like me, i’m sure you’ll love the results,” say pa niya ulit.

Siyempre, may mga sinagot na mensahe si Kris. At isa nga ang kay @jasminip.

“@jasminip how are you? Back to work ako on Saturday. Text ko na lang because happy ako Alvin was able to call some of the people I used to work with who are no longer employed & I’m in a position to give them work,” sambit ni Kris.

Bongga, di ba?

Pelikula ni Pokwang panalo ng Japan Prize

Lalong ganadong magtrabaho si Pokwang ngayon. Imagine, ang movie niya na ‘What Happened To You, Arna’ na dinirek ni Patricia Rivera ay wagi ng Japan Foundation Prize.

“Thank you so much to @fifthwallfest and @jfmanila for this award. We are deeply humbled to be the highest ranking film from Asia. The chance to uplift others through dance is a gift in itself. Sharing this honor with our wonderful cast and crew! Mahal ko po kayo, maraming salamat!” sabi ni Direk Rivera.

Kasama ni Pokwang sa ‘What Happened To You, Arna’ si Zeus Collins, at marami pang iba. Sa mga interesado, mapapanood ito sa @fifthwallfilmfest.com simula sa Oct. 7 hanggang 11.

The post Kris biniyayaan mga jobless first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *