Kris Bernal napagkamalang bakla

Huy, 2021 na! Baka puwedeng tigilan niyo na sa panlalait si Kris Bernal.

The post Kris Bernal napagkamalang bakla first appeared on Abante.

kris bernal napagkamalang bakla - Kris Bernal napagkamalang bakla
abante kris bernal - Kris Bernal napagkamalang bakla

Huy, 2021 na! Baka puwedeng tigilan niyo na sa panlalait si Kris Bernal.

Aba, unang araw ng 2021, nakatikim agad ng panlalait, pambaba-bash si Kris, ha!

At ang itsura na naman niya ang pinagdiskitahan ng mga basher, o mga taong walang magawa sa buhay nila.

Eh, kung tutuusin, ang dami kayang naiinggit kay Kris. Ang hirap kayang mag-maintain na payat na body.

Eh sa pandemya, ang daming tumaba. Kaya suwerte si Kris, na naingatan niya ang kanyang katawan.

“Staying alive is my greatest achievement this 2020.

“2020 may be different for each of us. But at the end of the day, it is okay if you did not do much this 2020, this year is not a year to brag about achievements but it is appreciating what we have and the ability to understand and share the feelings of another, and coming back stronger than ever because hardships are what make us stronger.

“2020 year may be full of challenges but it taught me how to be ready for 2021!” ang bonggang caption ni Kris.

Pero sa halip na suportahan si Kris ng iba, hindi talaga siya tinantanan ng mga buwisit na basher niya.

Ang iba, sinabing mukha raw bakla si Kris sa itsura niya ngayon. Ang iba, sinabihan siyang buto’t balat na sa kapayatan.

Buti na lang, nandiyan ang mga fan ni Kris na nagtanggol sa kanya. Todo giyera nga sila sa mga basher na ito.

Ay kaloka, 2021 na, uso pa rin ang body shaming, ha! Naku, inggit lang sila kay Kris. (Dondon Sermino)

The post Kris Bernal napagkamalang bakla first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *