Kris aminadong dehado kina Vic-Maine, Vice-Anne

Ipinakita ni Kris Aquino ang isang video ng treatment na ginagawa sa kanya ngayon particularly sa bandang leeg. Eh dahil magiging physically demanding ang pagbabalik nya sa big screen sa Metro Manila Film Festival Entry na “(K)Ampon”, ayaw niyang atakihin sa puso ang producer niyang si Atty. Joji Alonso at mana-ger na si Erickson ng C­ornerstone.

The post Kris aminadong dehado kina Vic-Maine, Vice-Anne appeared first on Abante News Online.

kris aminadong dehado kina vic maine vice anne - Kris aminadong dehado kina Vic-Maine, Vice-Anne
ABANTE kris 3 - Kris aminadong dehado kina Vic-Maine, Vice-Anne

abante i know better jun nardo 336x224 - Kris aminadong dehado kina Vic-Maine, Vice-AnneIpinakita ni Kris Aquino ang isang video ng treatment na ginagawa sa kanya ngayon particularly sa bandang leeg. Eh dahil magiging physically demanding ang pagbabalik nya sa big screen sa Metro Manila Film Festival Entry na “(K)Ampon”, ayaw niyang atakihin sa puso ang producer niyang si Atty.

Joji Alonso at mana-ger na si Erickson ng C­ornerstone.

Sa caption ng Queen of All (Social) Media, susundin niya ang payo ng kanyang doktor kaya naman binigyan siya ng checklist at hihingi ng medical clearance para mag-shoot ng horror movie.

Pero ngayon pa lang, hiningi na ni Tetay ang opinyon ng kanyang followers kung tatanggapin ba niya ang comeback niya sa isang horror film o maghanap na ng ibang akres bilang kapalit niya.

Siyempre, mas gusto ng followers niyang sa horror movie siya mu-ling mapanood. Sa sagot ni Kris sa isang follower, sinabi niyang underdog siya kumpara kina Vic Sotto, Maine Mendoza, Vice Ganda at Anne Curtis dahil apat na taon na siyang walang regular TV show.

Aniya sa pagkakapi-ling entry ng movie, “Hindi ko talaga ini-expect to be chosen. Why? Kasi may entry si Robin na horror. And meron ang Ten17 production ni Direk Paul Soriano.

“Y would a festival under MMDA choose a mo-vie starring Kris Aquino, right? Alam na alam kong hindi namin panahon ngayon but maybe S­enator Bong Go who is the Executive Chairman is really a man who plays FAIR and looks forward beyond politics.

“Direchong sagot ha, kung wala sya sa committee it would be easier for me to decide But a door was opened for me after so many had been shut.

“Kaya napaisip na puwede pa rin pala to go beyond our perception & have faith.”

Eh may isang netizen (@paulasyjuco) na pinagre-retire na siya dahil wala na siyang laban kina Vic, Maine, Vice at Anne. Bahagi ng tugon ni Kris, “Nakaapak naman sa lupa ang paa ko. Pero hindi masama ang hangarin na mabawi ang puhunan at gumawa ng movie na may ‘tapang’ ang kwento.”

The post Kris aminadong dehado kina Vic-Maine, Vice-Anne appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *