Korona ng Miss World dasal ni Melanie para sa anak

Proud mama si former Miss International 1979 at super model na si Melanie Marquez sa pagkapanalo ng anak niyang si Michelle Dee bilang Miss World Philippines 2019.

korona ng miss world dasal ni melanie para sa anak - Korona ng Miss World dasal ni Melanie para sa anak
melanie 2 - Korona ng Miss World dasal ni Melanie para sa anak

Proud mama si former Miss International 1979 at super model na si Melanie Marquez sa pagkapanalo ng anak niyang si Michelle Dee bilang Miss World Philippines 2019.

Nangarap nga si Melanie na may isang anak niyang babae ang makoronahan din bilang isang beauty queen na tulad niya. At natupad nga ito kay Michelle na kasalukuyan ding aktres at TV host sa GMA-7.

“I’m just thankful to God. It’s an answered prayer… just do the best to bring the Miss World crown back home. She will be greater than me,” sey pa ni Melanie.

Noong tanungin si Michelle kung ano ang natutunan niya mula sa kanyang beauty queen mom, ito ay ang maging confident parati.

“The most important advice my mom gave me was to be myself.

“I’m not trying to be a replicate of her but I’m trying to shine as my own woman.

“And that taught me how to be strong, how to be confident in myself and to embrace every single part of my being. So thank you, mom.”

Sa December na magku-compete si Michelle sa Miss World 2019 in London, United Kingdom. Dasal niyang maging second Miss World ng Pilipinas after Megan Young na kauna-unahang Miss World ng bansa in 2013.

“I don’t think I’ll ever be the perfect queen, but I promise to try my best and to continue to do so every day throughout my reign,” post pa ni Michelle sa kanyang Instagram account. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *