Korina, Erik, Angeline tinupad ang pangarap ng guro, lola

Natupad ang pangarap ng isang bayaning guro at lola, at ‘yun ay dahil sa “Rated K.” Kasama ang mga Kapamilya artist na sina Erik Santos at Angeline Quinto, agad na inaksyunan ng programa ni Korina Sanchez-Roxas ang mga kakaibang hiling para sa high school teacher na si Beth Sangalang at ang nais ma­ging songwriter na si Francisca Teje o “Lola Fe.”

The post Korina, Erik, Angeline tinupad ang pangarap ng guro, lola appeared first on Abante News Online.

korina erik angeline tinupad ang pangarap ng guro lola - Korina, Erik, Angeline tinupad ang pangarap ng guro, lola
ABANTE korina - Korina, Erik, Angeline tinupad ang pangarap ng guro, lola

Natupad ang pangarap ng isang bayaning guro at lola, at ‘yun ay dahil sa “Rated K.” Kasama ang mga Kapamilya artist na sina Erik Santos at Angeline Quinto, agad na inaksyunan ng programa ni Korina Sanchez-Roxas ang mga kakaibang hiling para sa high school teacher na si Beth Sangalang at ang nais ma­ging songwriter na si Francisca Teje o “Lola Fe.”

Sinorpresa nina Korina ang guro ng isang live performance mula sa “Prince of Pop” ng OPM, at tinupad naman ang panga­rap ni Lola Fe na mari­nig ang sinulat niyang kanta na inaawit ng “Queen of Teleserye Theme Songs.”

Nakilala ng “Rated K” si Beth sa sulat ng dating estudyante nitong si Arjay Velasco na nais pasa­lamatan ang kanyang guro na kumupkop sa kanya at nagpaaral sa kanya nu’ng muntik na siyang tumigil sa pag-aaral. Naging OFW na si Arjay sa Dubai, ngunit hindi niya nakalimutan ang kanyang minamahal na guro na tinutu­ring niyang bayani. Nag-email siya sa “Rated K” at humingi ng video greeting mula sa paborito nilang singer na si Erik. Pero hinigitan pa ito ng programa na dinala mismo si Erik sa high school reunion nila para personal na awitan ang butihing guro.

Samantala, matagal nang pangarap ni Lola Fe na magsulat ng kanta pero hindi niya ito napursige dahil sa hirap ng buhay. Nag-kasambahay siya para masuportahan ang pamilya pero hindi niya mabi­tawan ang pangarap. Sa kanyang sulat sa “Rated K,” sinabi ng 72-anyos na lola na nais niyang makanta ng isang Kapamilya artist ang kanyang mga komposisyon. Tinupad ito ng programa sa tulong ni Jonathan Manalo ng Star Music, na siyang nag-areglo ng kanta niyang “Maraming Salamat Mahal,” na kinanta naman ni Angeline. Ilalabas nila ang awit bilang single at makukuha ni Lola Fe ang lahat ng kikitain nito.

The post Korina, Erik, Angeline tinupad ang pangarap ng guro, lola appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *