Kontra Manila Bay: Alessandra kakain ng buhangin

Pinaglaruan ni Alessandra de Rossi ang mga pabor na tabunan ng puting buhangin ang Manila Bay sa Twitter. Tutol si Alex sa rehabilitation ng Manila Bay at gawin itong mala-Boracay.

The post Kontra Manila Bay: Alessandra kakain ng buhangin first appeared on Abante.

kontra manila bay alessandra kakain ng buhangin - Kontra Manila Bay: Alessandra kakain ng buhangin
Alessandra - Kontra Manila Bay: Alessandra kakain ng buhangin

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Kontra Manila Bay: Alessandra kakain ng buhanginPinaglaruan ni Alessandra de Rossi ang mga pabor na tabunan ng puting buhangin ang Manila Bay sa Twitter. Tutol si Alex sa rehabilitation ng Manila Bay at gawin itong mala-Boracay.

Naniniwala syang mali ang gastos ng gobyerno rito, na sa gitna ng pandemic, maraming walang trabaho, at kakulangan ng gamit ng mga mag-aaral, inuna pa raw ito.

At kaloka na lahat ng paliwanag ng pro-MB ay pinipilosopo ni Alex.

At sabi pa nito, handa siyang kumain ng puting buhangin sa Manila Bay kung magiging okey ito. Binuwisit lang ni Alex at pinagtripan ang pakikipagsagutan sa mga pro-MB, dahil sa bandang huli ay nag sorry rin siya.

***

Rita naubos ang datung sa pagtulong

Nanawagan si Rita Avila sa Instagram para sabihing hindi niya kayang magbigay ng tulong sa mga humihingi sa kanya. Pinoste ng aktres ang statement na humihingi ng paumanhin sa mga nagpapadala ng direct message sa kanya at humihingi ng tulong.

Sabi ni Rita, gaya ng maraming artista ay wala rin siyang pinagkakakitaan ngayon, pero gumawa raw siya ng paraan para makatulong sa mga mangangailangan noon.

Sinabi pa niya na ang royalty sa sinulat niyang libro ay napupunta sa mga orphanage. Pero, sagad na raw ang kaban ng kabuhayan ni Rita kaya hindi na niya mabibigyan ng tulong ang iba.

***

‘Mulan’ walang puso — Direk Erik

Dismayado si Direk Erik Matti sa ‘Mulan’ na ipinalabas sa mga online movie platforms kamakailan. Sa kanyang Instagram ikinumpara ni Matti ang puso ng original animated version na wala sa kasalukuyang version ng Mulan.

“Boring, bland and by the numbers. They never got the soul of the original,” banat nito sa pelikula.

Nagbigay pa ng ibang version mula sa animated si direk na bigo rin na gayahin ang puso ng una, gaya ng Lion King na isinalin sa isang musical.

Para kay Direk Matti mas maganda at mas may kaluluwa ang animated version ng Mulan, kung saan naging paboritong Disney song ang Reflections.

Pero paniniwala ni Direk Matti, tatabo sa China ang pelikula dahil sa sinasabi nitong “a movie made by numbers people second-guessing what China would love to see.”

The post Kontra Manila Bay: Alessandra kakain ng buhangin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *