Komedyante sa casino na nakatira

Pangalawang tahanan na ng isang kilalang komedyante ang isang sikat na casino. Halos du’n na siya nakatira. Araw-gabi ay nakikita siya du’n ng ating mga kababayang nakikipagsuntukan din sa buwan sa mga makina ng casino.

The post Komedyante sa casino na nakatira appeared first on Abante News Online.

komedyante sa casino na nakatira - Komedyante sa casino na nakatira
abante casino - Komedyante sa casino na nakatira

abante give me 5 cristy fermin 336x224 - Komedyante sa casino na nakatiraPangalawang tahanan na ng isang kilalang komedyante ang isang sikat na casino. Halos du’n na siya nakatira. Araw-gabi ay nakikita siya du’n ng ating mga kababayang nakikipagsuntukan din sa buwan sa mga makina ng casino.

Pero hindi siya mala-kas tumaya. Kumpara sa maraming nandu’n ay barya-barya lang ang kanyang bet. Kung dati’y malakas siyang magsugal, ngayon ay hindi na masyado, papitik-pitik na lang siya sa makina.

Kuwento ng aming soure, “Dati, nu’ng ma-lakas pa siyang kumita, mataas siyang tumaya. Pero ngayon, pabarya-barya na lang ang bet niya, basta makataya na lang siya, parang ganu’n na lang siyang lumaro ngayon.

“Siguro, nasasarapan siya sa casino. Malamig kasi du’n, bagay na bagay sa tulad niyang may malaking bulto na madaling mainitan. Libre nga naman siya sa kuryente!

“E, kung sa bahay lang siya maglalagi, e, siguradong malaki ang babayaran niyang electric bill. Sa casino nga naman, e, buhay-mayaman siya, centra-lized ang aircon!” natatawang hirit ng aming impormante.

Pero dahil nagkakaedad na ang komedyante ay may mga naaawa sa kanya. Para kasing hirap na siyang maglakad at mabigat na ang kanyang katawan.

Patuloy ng aming source, “Minsan kasi, e, makikita mo siyang natutulog sa sofa, may hawak pa nga siyang pera! Nakatulugan na niya ang pag- lalaro.
“Antukin na ang ganu’n, hindi na nila kayang makipag-laban sa puyat, kaya kung minsan, habang naglalaro siya, e, nakakatulog na siya sa harap ng machine!

“Wala na yata siya sa show na matagal niyang pinagserbis-yuhan. ‘Di nga ba, ang kuwento, e, hindi na siya nagbibihis pagkatapos niyang maglaro?
“Kung ano ang t-shirt niya kapag nasa casino siya, e, ‘yun din ang nakikita sa kanya ng mga nakakakilala sa kanya sa show!

“Pero maraming nagmamahal sa kanya sa second home niya. Maganda kasi ang PR niya, palabati siya kahit sa mga hindi niya personal na kakilala.

“True, love siya three times a day ng mga kaklase niya sa sikat na casino na itinuturing na niyang second home,” pagtatapos ng aming source.

Jimmy mema lang

Walang dapat sisihin si Jimmy Bondoc sa mapapaklang komentong ibinabato laban sa kanya ngayon kundi ang sarili lang niya. Sino ba ang nagsimula ng gulo?

Nananahimik ang mga artista ng ABS-CBN pati ang mga ehekutibo ng network pero nagtungayaw ang one-hit-wonder na singer.

Pinananabikan na raw niyang makitang sarado na ang ABS-CBN, sabi ni Jimmy, meron pa siyang rebelasyon tungkol sa mga personalidad daw na nakausap niya na naging biktima ng sexual harassment.

Natural, kapag ang kumpanyang bukal ng kabuhayan ng mga artista ang ipinananala-nging mawala na sa mundo ay aaklas ang mga maaapektuhan, sino nga naman si Jimmy Bondoc para harangan ang kanilang mga pangarap at kabuhayan?

Hindi muna nag-isip nang maraming beses ang singer na ito bago niya inilantad sa publiko ang kanyang saloobin. Kung natutuwa siyang makitang sarado na ang istasyon ay alangan namang magbunyi pa ang mga empleyado at mga artista ng network?

Gutom ang kakambal ng kanyang gusto, kawalan ng trabaho, magugutom ang mga pamilya ng mga nagtatrabaho sa ABS-CBN na kinasasabikang makitang nagsarado na ni Jimmy Bondoc.

Napakamakasariling ugali. Dahil lang sa galit siya sa network ay hindi bale nang magdusa ang mga nasasakupan ng istasyon? Kaya bang sustinihan ni Jimmy ang mga pa-ngunahing pangangailangan ng mga pamilyang mawawalan ng ikabubuhay kapag nagsarado ang istasyon?

Parang inihaw na kamote ngayon si Jimmy Bondoc, tustadung-tustado, hindi na mapakikinabangan ang balat at laman dahil sa inilabas na damdamin ng mga artista at empleyado ng ABS-CBN na gusto niyang magsarado.
Mema lang kasi!

The post Komedyante sa casino na nakatira appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *