Kokoy bet ni Ruffa

Happy ang mga fan ng “Gameboys” breakout star na si Kokoy de Santos nang mag-post sa social media si Ruffa Gutierrez ng picture nilang dalawa.

The post Kokoy bet ni Ruffa first appeared on Abante.

kokoy bet ni ruffa - Kokoy bet ni Ruffa
abante kokoy - Kokoy bet ni Ruffa

Jun Lalin Anything Goes 42 4 300x200 - Kokoy bet ni RuffaHappy ang mga fan ng “Gameboys” breakout star na si Kokoy de Santos nang mag-post sa social media si Ruffa Gutierrez ng picture nilang dalawa.

Noong Monday lang kasi nagkasama sa set ng lock-in taping nila for “Stay-In Love” sina Ruffa at Kokoy, kaya may picture na sila together.

Part ng caption ni Ruffa sa kanyang post, “Working with one of today’s most promising stars @kkydsnts.”

Noong first taping day kasi ni Kokoy for “Stay-In Love” ay rest day naman ni Ruffa at pack-up sila noong Sunday dahil kay Super Typhoon Rolly, kaya noong Monday lang sila nagkaroon ng eksena sa taping.

Sabi ni Ruffa sa akin, mabait at magalang si Kokoy like Maris Racal na kapareha naman ng binata sa nasabing kilig-serye ng TV5 na ilo-launch na this month.

Actually, suwerte si Ruffa na mababait ang mga nakakasama niya sa lock-in projects niya.

Doon sa “Love Thy Woman”, kasundong-kasundo niya sina Kim Chiu, Yam Concepcion and the rest of the cast.

Sa lock-in shooting naman ng “The House Arrest Of Us” na digital movie series ng Star Cinema, gustong-gusto niya sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (na inaanak niya), plus the whole cast like former Quezon City Mayor Herbert Bautista (na ilang beses na rin niyang nakasama), Gardo Versoza (na leading man niya sa prinodyus niyang “GMA Telesine” some years back, ang “Babae Sa Dilim”.

Sobrang happy set ang “The House Arrest Of Us” lock-in shooting nila dahil panay rin ang TikTok nila dahil kay Gardo.

Anyway, dito sa “Stay-In Love” ay happy rin daw ang set dahil naaaliw rin si Ruffa pati sa co-star nilang si Pooh na masaya talagang kasama sa set.

Vienna malapit sa puso nina Richard, Raymond

Ka-sad lang ‘yung terrorist attack sa Vienna, Austria noong Monday night (kahapon ng umaga dito sa atin).

Ilang beses ko na ring na-feature sa “Anything Goes” online show ko sa Abante News Online Facebook page ang lugar na ‘yon dahil maraming events doon ang mga Pinoy na kakilala ko.

Malaki-laki rin ang Filipino community doon at may mga association sila.

Kinumusta ko nga ang mga Pinoy na kakilala ko at safe naman daw sila.

Ayon sa mga nakausap ko, wala silang balita kung may mga Pinoy na nadamay sa pamamaril doon ng ilang sinasabing mga terorista.

Nang magka-chat nga kami kahapon ng umaga ni Sarah Lahbati ay nabanggit ko sa kanya ang nakakagimbal na pangyayari sa Vienna at napa-“Oh my God!” siya.

Taga-Europe rin kasi ang pamilya ni Sarah. Based sila sa Geneva, Switzerland.

Malapit din sa Gutierrez twins na sina Richard at Raymond ang Vienna dahil nagpunta sila doon noong 2008 para sa ilang screenings ng “For The First Time”. Kasama nila that time si KC Concepcion.

Sobrang nag-enjoy ang tatlo sa pagpunta nila doon dahil very warm ang mga kababayan natin na nakatira doon.

Actually, noong magkausap nga sina Raymond at Jojo Carlos (organizer ng screenings doon ng “For The First Time”) ay nabanggit ng una na gusto niyang bumalik sa lugar na ‘yon.

Let’s all pray para sa mga kababayan natin sa Vienna at sa lahat ng mga taong nakatira doon.

The post Kokoy bet ni Ruffa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *