Klea Pineda nakakapaglaway ang kurbada

Solved na solved ang mga netizen sa magandang kurbada ng katawan ni Klea Pineda. Ipinasilip niya sa Instagram ang hugis ng katawan niya suot ang two-piece bikini.

klea pineda nakakapaglaway ang kurbada - Klea Pineda nakakapaglaway ang kurbada
klea - Klea Pineda nakakapaglaway ang kurbada

Jun Nardo I Know Better 21 336x224 - Klea Pineda nakakapaglaway ang kurbadaSolved na solved ang mga netizen sa magandang kurbada ng katawan ni Klea Pineda. Ipinasilip niya sa Instagram ang hugis ng katawan niya suot ang two-piece bikini.

Maging ang Kapamilya star na si Elisse Joson eh bumilib sa kaseksihan ni Klea.

“Sexy!!!” komento ni Elisse. Kalaway-laway naman talaga ang kurbada ni Klea, ha!

Sa paglantad ng katawan, humirit naman ang ilang netizen na sumali na siya sa Binibining Pilipinas pageant. Pasado rin daw siyang maging model sa New York City.

Magsisilbing biggest break ni Klea ang “Magkaagaw” project nila ni Jeric Gonzales.

Mikee Quintos makinis ang alindog

Palaban din si Mikee Quintos na idispley ang makinis na katawan habang nasa Palawan suot ang red bikini. Isang inspirational caption ang inilabas niya kalakip ng seksing litrato sa Instagram.

“To acknowledge the risks, but choosing to be fearless and jumping in anyway.

“I am honestly say I’m a happier person because of it. So whatever hesitations you may have, be brave. Choose your dreams. Just JUMP. Do something your future self will thank you for,” caption ng isa sa mga artista sa “The Gift”.

Mirriam Manalo namatayan ng ‘baby’

Namatay na ang anak ng “The Clash” finalist na si Mirriam Manalo. Ibinahagi ni Mirriam ang pagpanaw ng bagong silang na anak na si Layla Elleina sa Instagram kahapon.

Bahagi ng caption ni Mirriam sa litrato ng anak sa IG, “No words can explain the pain I feel in my heart fight now anak! You will always be in your mama’s heart!

“I will wait for you again in my tummy but this time no more illness. You got your wings back to heaven! Rest in peace. I love you so much My Layla Elleine. Till we meet again,” caption ni Mirriam.

Buntis si Mirriam nang sumali sa unang season ng “The Clash”. Nanganak siya matapos ang pagsali niya at nakagawa pa siya ng isang kanta.

Ngayong October 21, magsasama-sama ang ilang “The Clash” finalists na kasabayan ni Mirriam para sa isang benefit concert, “The Clash For Layla” para sa anak niya. Gagawin ito sa Historia Boutique sa QC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *