KJ Apa, Britt Robertson magdyowa na

Ni-reveal ng “Ri­verdale” star na si KJ Apa na isa siya sa nag-audition para sa role na Spider-Man ng Marvel Cinematic Universe. Hindi nga nakuha ni KJ ang role at napunta ito kay Tom Holland.

The post KJ Apa, Britt Robertson magdyowa na appeared first on Abante News Online.

kj apa britt robertson magdyowa na - KJ Apa, Britt Robertson magdyowa na
ABANTE KJ Apa Britt Robertson - KJ Apa, Britt Robertson magdyowa na

Ni-reveal ng “Ri­verdale” star na si KJ Apa na isa siya sa nag-audition para sa role na Spider-Man ng Marvel Cinematic Universe. Hindi nga nakuha ni KJ ang role at napunta ito kay Tom Holland.

“Uh, you know sometimes I walk out of an audition, you know when you walk out and you feel really good about it? Feel like they loved it? I didn’t feel like that,” pag-amin ni KJ sa naging failed audition niya.

Maging ang co-stars niya sa “Riverdale” na sina Camilla Mendes at Madelaine Petsch ay nag-audition din for a superhero role, pero hindi na lang nila binanggit kung ano ang mga ito.

Hindi man nakuha ni KJ ang role na Spider-Man, nakuha naman niya ang lead role sa “Riverdale” as Archie Andrews na muling magbabalik sa CW for a brand new season.

Habang nagtapos na ang relasyon ng co-stars niyang sina Cole Sprouse at Lili Reinhart, nagsimula naman si KJ ng sarili niyang love life with actress Britt Robertson.

Nakita ang dalawa na magkasama sa Comic-Con 2019 at inseparable sila.

“It was an affectionate Saturday night for KJ Apa and Britt Robertson Saturday at Entertainment Weekly’s Comic-Con 2019 party in San Diego. The pair were seen canoodling inside the annual bash, where they were witnessed kissing and seen walking through the party holding hands and with their arms around each other,” ayon sa report ng Entertainment Weekly.

Unang nagkatrabaho sina KJ at Britt sa 2017 film na “A Dog’s Purpose”. Muli silang magsasama sa film na “I Still Believe”. Sequel ito ng 2018 film na “I Can Only Imagine”. (Ruel Mendoza)

The post KJ Apa, Britt Robertson magdyowa na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *