Kita ibibigay sa naulila: Ivana tinupad ang hiling ni Cadena

Ang carwash scene nga ang huling Instagram post ni Lloyd Cadena.

The post Kita ibibigay sa naulila: Ivana tinupad ang hiling ni Cadena first appeared on Abante.

kita ibibigay sa naulila ivana tinupad ang hiling ni cadena - Kita ibibigay sa naulila: Ivana tinupad ang hiling ni Cadena
Ivana 1 - Kita ibibigay sa naulila: Ivana tinupad ang hiling ni Cadena

Ang carwash scene nga ang huling Instagram post ni Lloyd Cadena.

At sa post niyang `yon ay tila hinamon niya si Ivana Alawi na gawin din `yon. Pero, dapat ay magkasama silang dalawa, at isang bus ang lilinisin nila.

At kahapon nga ay tinupad ni Ivana ang wish ni Lloyd.

“Hinamon ako ni Kween Lloyd Cafe Cadena sa kanyang last vlog na in-upload niya sa kaniyang channel. Ang request nya, mag-carwash kami ng Bus together.

“Nakakalungkot man at hindi natin magagawa (nagawa) nang magkasama ito at wala ka dito sa tabi ko, itutuloy ko ang hamon mo dahil alam ko nanonood ka diyan sa heaven at masisiyahan ka dito.

“Para kay Lloyd itong video at lahat ng kikitain nitong video ay ibibigay natin sa kanyang naiwang pamilya para makatulong kahit sa maliit na paraan na alam ko.

“Hindi pa kita name-meet personally or naka-collab. Pero alam ko meron kang napakabait na puso. Marami kang natulungan, napasaya, na-inspire.

“Kween LC isa ka sa pinaka-original na YouTuber na mahal namin and you will never be forgotten.

“Rest in paradise.

“Pinasara at walang ibang tao ang nasa area na ito kaya nakapagtanggal ako ng mask,” ang mahabang caption ni Ivana sa photo na naglilinis siya ng bus.

Naka-good vibes na makabasa ng ganitong post, na puno ng pagmamahal, at pagtulong sa kapwa. (Dondon Sermino)

The post Kita ibibigay sa naulila: Ivana tinupad ang hiling ni Cadena first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *