Kit, Kim todo tikiman sa ‘Momol’

Ang daming inggit na inggit ngayon kay Kim Molina. Inggit dahil kay Kit Thompson.

The post Kit, Kim todo tikiman sa ‘Momol’ appeared first on Abante News Online.

kit kim todo tikiman sa momol - Kit, Kim todo tikiman sa ‘Momol’
Abante kit - Kit, Kim todo tikiman sa ‘Momol’

Ni Dondon Sermino

Ang daming inggit na inggit ngayon kay Kim Molina. Inggit dahil kay Kit Thompson.

Anyway, may bago ngang pasabog na pelikula ang iWant na pinamagatang “Momol Nights” – oh ‘di ba, title pa lang alam mo na agad na steamy at edgy ang magiging mga eksena.

Bida nga riyan sina Kit at Kim, at base sa trailer, sexy comedy ang atake ng kuwento nito.

In fairness, nakakatawa ang trailer dahil gumaganap dito si Kim bilang isang babaeng nakikipag-momol o “make out, make out lang” sa mga stranger para maka-get over sa ex.

Tuloy lang siya sa buhay single niya hanggang sa makilala niya si Marco (Kit) na talagang pumukaw sa pagkababae niya. Nag-umpisa lang sila sa momol pero hindi nagtagal, na-fall na rin si girl sa binata. Eh rule pala sa momol na no strings attached, kaya ‘yun, may moment si Kim na crayola para kay Kit.

Pero ‘di natin sure, malay naman natin, nag-umpisa lang sa harutan pero mauwi rin naman sila sa totohanan. Exciting, ‘di ba? Nakaka-bagets ang feeling.

Marami ang natuwa sa trailer ng digital movie dahil daw hindi ito tulad ng Pinoy movies na napapanood sa sinehan.

“It’s great to see a non-conventionally beautiful female lead para sa isang naughty film,” comment ni Southside Stories sa YouTube.

“iWant is giving us very interesting plot, and mala-netflix na series ha. First yung Past, Present, Perfect tapos eto. Ang saya saya,” papuri naman ni YouTube user Gian V sa trailer.

“Di ko inexpect na magpapantasya ako kay ms. kim Molina. Goddamnit,” honest na confession ng YouTube user din na si Strawberry Hunter.

Sa comments pa lang, maganda na ang feedback sa pelikula. Siguradong papatok ito sa views at baka magka-sequel pa.

The post Kit, Kim todo tikiman sa ‘Momol’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *