Kisses binasura na si Donny

Hindi hahayaan ni Kisses Delavin na gumawa ng eksena ang kanyang mga supporter laban kay Donny Pa­ngilinan para sa isang rally na gagawin ng mga ito ngayong linggo. Para maawat ang mga fan sa posibleng rally na pinaplano ng mga ito, diretsahang kinumpirma na ni Kisses sa kanyang social media post na nabuwag na o wasak na ang love team nila ni Donny, na “DonKiss.”

The post Kisses binasura na si Donny appeared first on Abante News Online.

kisses binasura na si donny - Kisses binasura na si Donny
ABANTE kisses - Kisses binasura na si Donny

By Rey Pumaloy

Hindi hahayaan ni Kisses Delavin na gumawa ng eksena ang kanyang mga supporter laban kay Donny Pa­ngilinan para sa isang rally na gagawin ng mga ito ngayong linggo. Para maawat ang mga fan sa posibleng rally na pinaplano ng mga ito, diretsahang kinumpirma na ni Kisses sa kanyang social media post na nabuwag na o wasak na ang love team nila ni Donny, na “DonKiss.”

Sa kanyang Instagram ay ipinagdiinan ni Kisses na hindi siya pabor sa away na sinisimulan ng fandom niya sa current team up ni Donny, na hindi nito pinangalanan.

Humingi muna ng apology si Kisses sa mga supporter niya kaugnay rito.

“I apologize for my social media block out. I believe that my suppor­ters have the right to know that the ‘DonKiss’ partnership have long been over!”
Ayon kay Kisses, kinakailangan niyang maglabas ng statement dahil sa nalaman niyang balitang may planong mag-assemble ang mga DonKiss fan sa harap ng ABS-CBN sa darating na June 26, 2019.

“There has been an ongoing plan from my DonKiss supporters to assemble at ABS-CBN today, 26th of June 2019 to appeal for this on-going screen partnership. I was notified of this news because they, my DonKiss supporters are encouraging my solid supporters to join their appeal.”

Patuloy ni Kisses, naiintindihan niya ang ipinaglalaban ng kanyang mga supporter na panatilihin ang team up pero hindi siya pabor sa nagaganap na fandom war, laban sa supporters ng dati niyang on-screen partner at sa bago nitong ka-love team.

“I felt how strongly they want to fight for this ship despite, as it is not just because of the ship itself but the family found in one another. I respect their feelings. However, as much as I understand the bleeding hearts of my supporters. I am NOT in favor of this fandom war of my DonKiss supporters against the other ship of my former-on screen partner to go on any further.”

Hindi raw hahayaan ni Kisses na masangkot sa isang situation na isinasabong sila sa isa’t isa ng ka-love team ni Donny, nang hindi naman nila kagustuhan.

“I shall not permit myself to be involved in a situation wherein two girls are to suffer being pitted against each other, a ward they may not even want to be in, just to earn the ‘victory’ of being a guy’s loveteam.”
Sa huli nagpasalamat si Kisses sa mga lumaban para sa journey nila ni Donny. Nagpasalamat din ito sa mga alaala ng kanilang samahan.

The post Kisses binasura na si Donny appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *