Kiray feeling Catriona sa kandungan ni Clint Bondad

Makikilala niyo na si Super Kiriray (ang friendly neighborhood superhero) sa June 2.

The post Kiray feeling Catriona sa kandungan ni Clint Bondad appeared first on Abante News Online.

kiray feeling catriona sa kandungan ni clint bondad - Kiray feeling Catriona sa kandungan ni Clint Bondad
kiray 1 - Kiray feeling Catriona sa kandungan ni Clint Bondad

Makikilala niyo na si Super Kiriray (ang friendly neighborhood superhero) sa June 2.

Ipaglalaban niya ang karapatan at kaligtasan ng mga mamamayan laban sa mga masasamang-loob.

Ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan na lumipad, gumalaw nang mabilis at kakaibang lakas. Mahal siya ng mga tao dahil sinasaklolohan niya ang mga ito nang bukal sa loob.

Subalit hindi nila alam na si Super Kiriray ay isang simpleng tao lamang kapag hindi nito suot ang kanyang kapa. Siya ay si Kakai, isang masiyahin, mapagmahal at butihing apo sa kanyang mga sakitin at nanghihina na lolo at lola. Likas ding masipag at mabusisi si Kakai sa paglalako ng kanyang special buko ice candy.

Masaya na at kontento sa kanyang buhay si Kakai, nang isang araw, nilagtas niya ang tu-ristang nagngangalang Kyle, isang guwapong banyaga. Love at first sight ito para kay Kakai. Hindi naglaon, nagkamabutihan sina Kakai at Kyle buhat na din ng utang na loob na tinatanaw ng binata sa dalaga.

Sa pagdagdag ng pag-ibig sa kanyang mga iisipin bukod sa kanyang pamilya at responsibilidad bilang si Super Kiriray, pinagbilinan si Kakai ng kanyang lola na magiging balakid lamang ang pag-ibig sa kanyang tungkulin bilang superhero. Kailangan ngayong mag-desisyon ni Kakai.

Sa huli, pinili ni Kakai na mag-retiro bilang superhero. Susubukan niyang itapon ang kapa na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan suba-lit ayaw siya nitong lubayan. Pilit itong bumabalik sa kanyang poder.

Inisip ni Kakai na gupitin ang naturang kapa sa tatlong bahagi at itapon ito sa basurahan.

Lingid sa kaalaman ni Kakai, ang tunay na rason kung bakit nagpakita ng interes sa kanya si Kyle ay dahil nais nitong maangkin ang kapa. Hindi alam ni Kyle na wala na kay Kakai ang kapa.

Naglakbay ang bahagi ng mga kapa patungo sa isang trak ng basura kung saan napasakamay ito ng tatlong batang nangongolekta ng basura para mamuhay – sina MIKA (14), ZIKI (10), at PEPAY (5).

Bida nga pala sa episode na ito ng “Daig Kayo Ng Lola Ko” sina Kiray Celis at Clint Bondad, ang ex-boyfriend ni Miss Universe Catriona Gray. Kaya ang suwerte ni Kiray, na after Catriona, siya naman ang kalambingan, kaharutan ni Clint. (Dondon Sermino)

The post Kiray feeling Catriona sa kandungan ni Clint Bondad appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *