Kiray atat magpakasal

Road to forever na nga ba? Tumanggap ng maraming ‘congratulations’ si Kiray Celis sa social media dahil sa litrato na kapwa may suot na singsing sila ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia.

kiray atat magpakasal - Kiray atat magpakasal
kiray - Kiray atat magpakasal

Road to forever na nga ba?

Tumanggap ng maraming ‘congratulations’ si Kiray Celis sa social media dahil sa litrato na kapwa may suot na singsing sila ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia.

Binandera pa ng dalawa ang parehas na gold ring na suot nila at bungad ng caption ni Kiray ay “AND YES.. KAMI PO AY..”

‘Yun pala, couple ring lang, hindi pa pala engaged. Akala ng marami ay engaged na sila pero gayunpaman ay nararamdaman naman daw ng most fans na sila na talaga ang magkakatuluyan forever. Kaya naman napapa-sana all talaga ang mga fan.

Naku, parang atat na si Kiray na pakasal sa dyowa niya, ha! (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *