Kira busog na busog ang puwet, kumasa sa paseksihan

Hindi pa nagre-retire ang ilang mga Kapamilya sexy star, pero heto at may mga sumusulpot na agad na mga bagong sibol at handang makipagsabayan ng paangasan ng sex appeal sa mga datihan na sa industry o mas senior sa kanila.

kira busog na busog ang puwet kumasa sa paseksihan - Kira busog na busog ang puwet, kumasa sa paseksihan
kira - Kira busog na busog ang puwet, kumasa sa paseksihan

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 38 336x224 - Kira busog na busog ang puwet, kumasa sa paseksihanHindi pa nagre-retire ang ilang mga Kapamilya sexy star, pero heto at may mga sumusulpot na agad na mga bagong sibol at handang makipagsabayan ng paangasan ng sex appeal sa mga datihan na sa industry o mas senior sa kanila.

Isa na sa mga bagong sibol na ito ay si Kira Balinger, cast ng lumalabas na seryeng “Pamilya Ko”. Ginulat ni Kira ang mga netizen sa kanyang pasabog na pagpapasilip ng kanyang bikini body sa Instagram.

Naka-post sa Instagram ng Kapamilya young actress ang back shot ng larawan niya habang nasa tabing-dagat.

Naka-two piece ang dalaga kaya kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya at ang magandang shape ng kanyang puwet.

Ang paglalantad ni Kira ng kanyang katawan sa social media ay para patutsadahan ang mga basher, para ipamukha sa mga ito ang maganda niyang pigura.

“Isa pa, para sa mga body-shamer dyan!” sabi ni Kira.

Umani ng papuri ang dalaga sa mga bumilib sa kanyang kaseksihan, at walang kumontra sa paglalantad niya ng kanyang alindog.

Angeline pumiyok sa kanta ni Regine

Inaliw na naman ni Angeline Quinto ang kanyang mga fan, supporter sa kuwento niya tungkol sa isang insidente ng pagpiyok sa awitin ng idol niyang si Regine Velasquez, ang “Sana Maulit Muli”.

Naka-post sa Instagram ni Angeline ang video na pinagkukumpara niya ang dalawang version ng “Sana Maulit Muli”.

Nag-demo muna si Angeline ng version ni Regine at sa parteng pagbirit nito. Nakuha ni Angeline ang birit highlight ng kanta na ayon sa kanya ay style ni Regine.

Matapos nito, ginawa naman niya ang fiesta version ng parehong awitin. Sa parteng mataas na nota, sinayad ni Angeline ang kanyang boses at lumabas na pumiyok siya sa highlight nito.

Mababasa sa mga comment ang mga laughing emoticon at natawang reaksyon ng kanyang mga follower.

Sikat si Angeline sa mga ganitong video na puro kalokohan ang kanyang kuwento at feature, na siyang kinaaaliwan ng mga netizen.

Sa mga ganitong post ni Angeline nailalabas niya ang kanyang comic side o pagiging comedienne.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *