Kinita ni Kim sa YouTube dinonate sa batang may sakit sa atay

Ibinigay ni Kim Chiu ang una niyang suweldo sa YouTube kay Baby Aki. Siya ‘yung bata na na­ngangailangan ng liver transplant.

The post Kinita ni Kim sa YouTube dinonate sa batang may sakit sa atay appeared first on Abante News Online.

kinita ni kim sa youtube dinonate sa batang may sakit sa atay - Kinita ni Kim sa YouTube dinonate sa batang may sakit sa atay
KIM - Kinita ni Kim sa YouTube dinonate sa batang may sakit sa atay

abante i know better jun nardo 336x224 - Kinita ni Kim sa YouTube dinonate sa batang may sakit sa atayIbinigay ni Kim Chiu ang una niyang suweldo sa YouTube kay Baby Aki. Siya ‘yung bata na na­ngangailangan ng liver transplant.

Para makaipon ng pera, ang kanyang ama (Antonio) ay nagtitinda ng banana cake sa kalsada sa Calamba, Laguna at naging viral ang pagbebenta niya. Maraming naantig sa kalagayan ng mag-ama, at isa na nga si Chinita Princess.

Personal na binisita ni Kim si Baby Aki, kinarga at nakasama ang mga magulang ng bata. Inilabas ito ng young actress sa kanyang Instagram.

Napanood niya sa YouTube at Facebook ang ginagawa ng ama para sa anak.

“Kaya I’ve decided to donate my first YouTube salary to Baby Aki. Salamat at may ganito na tayong technology ngayon na aware tayo sa nangangailangan ng tulong sa tin through viral video,” bahagi ng caption ni Kim.

Rason ni Chinita Princess sa pag-post, pagbisita niya eh hindi para magmayabang kundi magpasalamat sa mga nanood ng videos niya sa YouTube at humingi na rin siya ng tulong para sa liver transplant ni Baby Aki.

Samantala, bago binisita ang bata, nagpakain si Kim ng katutubong mga Aeta bilang bahagi ng kanyang kaarawan.

Michelle Dee tumutulong sa mga abnormal

Isang mental health advocate ang Kapuso artist na si Michelle Dee. Sa pamamagitan ng isang video, ibinahagi niya ang kanyang passion project katuwang ang Center for Possibilities, Inc.

Para sa advocacy niya, bumiyahe si Michelle upang tulungan ang mga batang may special needs. Nais din niyang impluwensiyahan ang iba para huwag kutyain at intindihin ang mga taong may kaparehong kundisyon.

Bukod sa pagiging mental health advocate, napapanood si Michelle sa Kapuso primetime series na “Love You Two” bilang best friend ni Shaira Diaz.

The post Kinita ni Kim sa YouTube dinonate sa batang may sakit sa atay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *