Kim, Xian spotted sa hotel

Para sa mga fan nina Kim Chiu at Xian Lim na nagtatanong sa akin kung nagkasama ba ang reel & real sweethearts sa taping ng new series nila sa ABS-CBN 2, ang “Love Thy Woman”, yes ang answer.

The post Kim, Xian spotted sa hotel appeared first on Abante News Online.

kim xian spotted sa hotel - Kim, Xian spotted sa hotel
ABANTE kim xian - Kim, Xian spotted sa hotel

ANYTHING GOES
Jun Lalin

Para sa mga fan nina Kim Chiu at Xian Lim na nagtatanong sa akin kung nagkasama ba ang reel & real sweethearts sa taping ng new series nila sa ABS-CBN 2, ang “Love Thy Woman”, yes ang answer.

Sabi ng handler ni Xian, si Mhit Pimentel ng Viva Artists Center, noong Tuesday raw ay nag-taping sina Kim at Xian sa isang hotel na malapit sa Harrison Plaza. Kasama pa raw sa taping na ‘yon si Erich Gonzales.

Mukhang tuloy-tuloy na ang taping ng “Love Thy Woman”, kaya tiyak na matutuwa ang KimXi fans.
***

Richard nagpapaseksi para kay Bea

The long wait is over naman sa series na unang pagtatambalan nina Ri-chard Gutierrez at Bea Alonzo sa ABS-CBN dahil maglo-look test na sila and definitely, ngayong July na sila magsisimulang mag-taping.
Kapwa sinasabi nina Richard at Bea na excited na sila sa first team-up nila.
Kung matatandaan, nasa GMA-7 pa lang si Richard ay marami na ang nagsasabing bagay silang pagtambalin sa pelikula.
Noong na-interview ko nga si Gerald Anderson, sinabi rin niya na excited siya para sa bagong tambalan na ‘yon. Mukhang supportive nga si Gerald sa bagong series nina Richard at Bea.
Anyway, sa ngayon, bawal pang magkuwento ng details sa nasabing series like kung sino ang kukumpleto sa cast dahil mismong ang mga taga-Star Creatives ang mag-a-announce no’n kapag nagpatawag na sila ng story conference.
Basta sa ngayon, ang alam ko lang, sobrang nagte-training at nagda-diet si Richard para sa project na ‘yon.
Si Bea naman, nagpapa-sample na rin sa social media ng kanyang kaseksihan, huh!

The post Kim, Xian spotted sa hotel appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *