Kim, Xian nanlagkit sa lambingan

Summer na summer ay nanlalagkit sa tamis ang magkasintahang Xian Lim at Kim Chiu sa social media. Nakabalandra sa Instagram ni Xian ang dalawang larawan nila ni Kim na nasa loob ng bird’s nest.

The post Kim, Xian nanlagkit sa lambingan appeared first on Abante News Online.

kim xian nanlagkit sa lambingan - Kim, Xian nanlagkit sa lambingan
kimxi - Kim, Xian nanlagkit sa lambingan

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Kim, Xian nanlagkit sa lambinganSummer na summer ay nanlalagkit sa tamis ang magkasintahang Xian Lim at Kim Chiu sa social media. Nakabalandra sa Instagram ni Xian ang dalawang larawan nila ni Kim na nasa loob ng bird’s nest.

Nakaw-pansin ang larawan dahil nagpapakita ito ng lambi­ngan ng dalawa.

Nakahalik sa pis­ngi ni Kim si Xian, habang nakayakap naman ang aktres sa boyfriend.

Nasa mukha ni Kim ang kilig at kasiyahan sa ginagawa ng aktor sa kanya. Nakasaad naman sa caption ang kasiyahan nitong hindi nagbago ang treatment nilang dalawa ni Kim hanggang ngayon.

“Still the same smile, still the same kiss, still the same us. @chinitaprincess,” sabi ni Xian.

Malakas ang impact sa netizen ng mga la­rawang ‘yon, kaya sa ilang oras pa lang mula nang i-post ito ni Xian, humakot na ito ng mahigit 100,000 likes, at mahigit 2,000 ang comments.

Ngayong April 19, ang 28th birthday ni Kim, kaya posibleng gusto lang ipahayag ni Xian ang pagmamahal niya sa kasintahan.

Claudine pumayag maging nanay ni Jameson

Muling nagbalik sa Kapamilya network si Claudine Barretto para bumida sa “Maalaala Mo Kaya” na magtatampok din kay Jameson Blake. Mag-ina ang role nila na mula sa kuwento ng isang bagets na ballroom dancer na tinamaan ng sakit na muntik magparalisa sa kanya sa habampanahon.

Ito ang kuwento ni RJ Cunanan na ginampanan ni Jameson, at ang ina naman nito ay si Claudine ang nagbigay-buhay.

Nakaposte sa Instagram ni Claudine ang teaser ng nasabing episode na mapapanood ngayong April 27. Hindi man regular na mapapanood si Claudine sa teleserye, kahit paano naipamamalas na naman nito ang kakayahan n’ya sa pag-arte.

‘Yun nga lang, may mga supporter na hindi sumasang-ayon na tumanggap na ng mo­ther role ang kanilang idolo. Masyado raw itong bata para tumanggap ng mother role at sa kasing age pa ni Jame­son, ha!

Greta, Claudine dinedma sa party ni Dani

Samantala, itsapuwera na naman ang magkapatid na Claudine at Gretchen Barretto sa okasyon ng kanilang pamangkin na si Dani Barretto. Hindi katakatakang wala ang dalawa sa okasyon dahil ang ina ni Dani na si Marjorie ang nagbigay ng party para sa kanyang pa­nganay, ang Despedida De Soltera.

Naka-post sa IG ni Marjorie ang magarbong party na ipinaa­yos niya. Masisilip din sa post ang piling-piling mga bisita kabilang na ang ina ng mga Barretto, si Mommy Inday.

The post Kim, Xian nanlagkit sa lambingan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *