Kim, Xian nagpaulan ng kilig sa Big Dome

Kilig-kiligan ang mga KimXi fan dahil sa ­pagsuporta ni Xian Lim sa girlfriend na si Kim Chiu sa volleyball game ng team ng aktres laban sa team ni Julia Barretto.

kim xian nagpaulan ng kilig sa big dome - Kim, Xian nagpaulan ng kilig sa Big Dome
kim 7 - Kim, Xian nagpaulan ng kilig sa Big Dome

Jun Lalin Anything Goes 1 336x224 - Kim, Xian nagpaulan ng kilig sa Big DomeKilig-kiligan ang mga KimXi fan dahil sa ­pagsuporta ni Xian Lim sa girlfriend na si Kim Chiu sa volleyball game ng team ng aktres laban sa team ni Julia Barretto.

Touched nga ang mga fan nang after the game ay lapitan at yakapin ni Kim si Xian. Hiyawan din ang mga fan nang halikan ni Xian sa noon ang girlfriend.

Aminado rin si Kim na mas na-inspire siya sa ­paglalaro dahil nanroon nga ang boyfriend para ­suportahan siya.
Ang bongga!

Eh, puwedeng hindi na nga pumunta sa Araneta ­Coliseum si Xian noong Sunday dahi sobrang aga ng flight niya noong Monday pa-Cagayan de Oro para sa event doon ng cellphone brand na ine-endorse­ niya, but still, nag-effort nga ang aktor na suportahan pa rin si Kim (kahit nga balikan ‘yung event na ­pinuntahan niya sa CDO the next day), huh!

How sweet!

Kinilig nga pala ang mga fan nina Kim at Xian nang sabihin ng una na nakakapasok ang pagse-serve niya ng bola dahil nandoroon nga ang boyfriend.

Anyway, palagi na ­namang magkakasama ang mag-sweethearts ­dahil pa-resume na sila ng taping ng “Love Thy Woman,” ang ­balik-tambalan nila sa ABS-CBN.

Mona Lisa inalagaang mabuti ng mga anak

Isa ang kaibigan kong retired Philippine Airlines (PAL) purser na si Annie Sulit sa mga pumunta sa burol ng premyadong aktres na si Mona Lisa sa Loyala Memorial ­Chapels sa Sucat, Parañaque City.

Dati rin kasing pursers sa PAL sina Evangeline Guinto-­Bocobo at Kathleen Yatco Guinto, mga anak ng yumaong aktres, kaya maraming mga taga-PAL ang nakipaglamay.

Sabi ng friend ko, hindi ­emotional sa burol ni Mona Lisa dahil sobra naman itong ­inalagaan ng mga anak at ng mga apo noong nabubuhay pa.

Dagdag pa ni Annie, “Ok ­naman ang burol, sa Thursday darating ‘yung dalawang anak na lalaki, one from Maryland, USA and one from London.­ Friday na ang burial.”

Maraming mga fan ang nalungkot sa pagyao ng 97-year-old actress na ang ilan sa mga pelikulang tumatak sa movie fans ay ang “Insiang” at “Cain at Abel”.

***
Noong Monday ay may birthday salubong na si Ogie Alcasid sa Manila Roivate House sa Bonifacio Global City para nga sa kanyang 53rd year.
Sayang nga dahil nasa flight pa lang ako pabalik ng bansa, kaya hindi ako naka-attend doon, pero bukas naman, may isa pa siyang birthday event na intimate rin.

Bale nag-stay ng two nights sa Shangri-La The Fort si Ogie ­kasama ang misis na si Regine Velasquez-Alcasid at mga anak na sina Nate at Leila, kaya ang lapit lang sa hotel ng venue ng birthday event niya noong Monday.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *