Kim Rodriguez magaling maglandi

Maangas na ang kaseksihan ni Kim Rodriguez ngayon. Kung noon ay medyo ‘nene’ pa ang nakikita sa kanya ng mga fan, ngayoon nga ay dalagang-dalaga, at mabagsik, mapangahas, at mahirap tanggihan na sex appeal na ang nasisilip sa kanya.

The post Kim Rodriguez magaling maglandi first appeared on Abante.

kim rodriguez magaling maglandi - Kim Rodriguez magaling maglandi
kim 4 - Kim Rodriguez magaling maglandi

Maangas na ang kaseksihan ni Kim Rodriguez ngayon. Kung noon ay medyo ‘nene’ pa ang nakikita sa kanya ng mga fan, ngayoon nga ay dalagang-dalaga, at mabagsik, mapangahas, at mahirap tanggihan na sex appeal na ang nasisilip sa kanya.

Alam na alam na ni Kim kung paano maglandi sa harap ng kamera. Alam na alam na rin niya kung paano laruin ang kanyang asset, na hinahabol sa kanya ng mga boylet.

Anyway, isang matamis na role bilang Dulce naman ang gagampanan ni Kim sa nalalapit na GMA News TV fantasy romance series na “The Lost Recipe.”

“Ako ang may hawak ng mahiwagang libro kung saan nakasaad ang magic sa pagluluto nina Conchita at Consuelo. Siyempre, marami pa silang aabangan dahil paiba-iba (ang) character ko,” kuwento ni Kim.

Ang The Lost Recipe ang first regular show ni Kim na may element ng fantasy. Ibang-iba ito sa nakaarang roles ng aktres na karamihan ay kontrabida. Naging challenging daw ito sa kanya dahil mas detalyado ang mga eksena at dahil fantasy, may special effects kaya kailangang ulitin ang mga take.

“First time ko magkaroon ng regular show na fantasy kasi usually ako ang nang-aaway at kabit sa past roles ko. Masaya kami sa shoot. Matrabaho lang para sa aming direktor dahil may magic and kailangan mag-green screen. So kailangan kung ano ka noong unang take dapat consistent ‘yung emotion mo kasi uulit-ulitin para sa effects.”

Ang The Lost Recipe ay pagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda. Iikot ang kuwento nito sa love, time travel, at culinary world. Malapit na itong mapanuod sa GMA News TV. (Dondon Sermino)

The post Kim Rodriguez magaling maglandi first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *