Kim Molina katakam-takam ang wetpaks

Kaloka itong si Kim Molina, ha! Super husay na artista!

kim molina katakam takam ang wetpaks - Kim Molina katakam-takam ang wetpaks
kim 12 - Kim Molina katakam-takam ang wetpaks

Kaloka itong si Kim Molina, ha! Super husay na artista!

Sa pelikulang “Jowable”, super dami niyang eksena na iiyak ka talaga. Kayang-kaya niyang pagsabayin ang pag-iyak, pagtawa, pagkanta, ha!

May isang eksena sa “Jowable” na kumakanta siya habang umiiyak, na paminsan-minsan ay tumatawa siya. Nagpalakpakan nga ang mga tao sa eksena niyang ‘yon sa premiere night ng “Jowable”.

Kuwela rin ang eksena nila ng real life boyfriend niya na si Jerald Napoles, ha! Umaatikabong lampungan sa kama ang drama nilang dalawa. At special participation lang si Jerald sa movie, pero sex, o love scene agad-agad. Siya nga lang yata ang pinayagan ni Kim na lumapastangan sa katawan niya.

Pero, super halakhakan din ang mga manonood sa eksena na tumatawid ng bakod si Kim, dahil nagpakita talaga siya ng wetpaks, ha! In fairness, maumbok ang puwet ni Kim, na makinis din naman.

Winner, ‘di ba? Well, sana nga ay marami ang makapanood ng movie, kahit na R-13 ito, dahil nga sa mga sensitibong linyahan nila, pati na ng mga pasilip na singit. Pero, kahit puro kababuyan ang lumalabas sa mga bibig ng mga artista sa “Jowable”, maaaliw ka talaga, at masasabi mong ang saya-saya, at ang ganda ng pelikula. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *