Kim Molina jowable sa pelikula

Kilala ngayon bilang Savannah na kanang-kamay ni Daniela Mondragon sa teleseryeng “Kadenang Ginto”, at lumalabas din bilang Lilibeth o Billeth sa primetime serye na “The General’s Daughter” ang versatile actress na si Kim Molina.

kim molina jowable sa pelikula - Kim Molina jowable sa pelikula
kim 8 - Kim Molina jowable sa pelikula

Kilala ngayon bilang Savannah na kanang-kamay ni Daniela Mondragon sa teleseryeng “Kadenang Ginto”, at lumalabas din bilang Lilibeth o Billeth sa primetime serye na “The General’s Daughter” ang versatile actress na si Kim Molina.
Guess what? Mula sa mga supporting roles, panibagong pelikula ulit ang pagbibidahan ni Kim matapos ang tagum­pay ng kanyang unang pagbibida sa iWanTV digital movie na “MOMOL Nights”. Aarangkada naman siya ngayon sa comedy movie na hango sa short film series na “Jowable” bilang si Elsa na pinasikat at gawa ng produksyon na Vincentiments.
Ang “Jowable” ay isang short hugot video na patok na patok sa mga Facebook user lalo na sa mga millennial.
Kuwento ito ng isang babaeng sobrang nalasing at naghihimutok dahil desperada nang magka-dyowa at naniniwalang kaibig-ibig naman siya o jowable siya.
Naganap nga ang story conference ng “Jowable” kamakailan at labis na na-overwhelm ang aktres sa pagtanggap sa naturang proyekto.
Eksklusibo namang naka-kontrata ang produksyon ng Vincentiments sa Viva Artists Agency.
Siyempre pa, direktor at writer ng naturang proyekto ang tanyag sa social media na si Darryl Yap.
Lumabas na rin nitong Lunes kamakailan ang unang patikim o trailer ng naturang pelikula kung saan makikita ang kuwelang palitan ng pagmumura ng lasing na karakter ni Kim sa isang tindera.
Sinundan pa ng isa pang trai­ler nitong Miyerkoles kung saan makikitang iritang-irita ang karak­ter ni Kim sa karakter ni Kakai Bautista na nakikipaglandian sa dyowa nito.
Excited na nga ang mga fan sa magiging makulit na linyahan o hugot na mapapanood nila sa naturang pelikula. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *