Kim masama ang loob kay Erich?

Excited na ang aktres na si Kim Chiu na makatrabaho si Yam Concepcion bilang kapalit ni Erich Gonzales sa teleseryeng ‘Love Thy Woman’.

kim masama ang loob kay erich - Kim masama ang loob kay Erich?
abante Kim 1 - Kim masama ang loob kay Erich?

Excited na ang aktres na si Kim Chiu na makatrabaho si Yam Concepcion bilang kapalit ni Erich Gonzales sa teleseryeng ‘Love Thy Woman’.

Ayon kay Kim, napanood niya ang ilan sa mga intense na eksena ni Yam sa teleseryeng ‘Halik’ na katatapos lamang.

“Excited din ako to work with her kasi napanuod ko rin siya sa ‘Halik’ and sobrang intense niya dun. So mas ma-cha-challenge ako in terms of acting namin,” saad ni Kim.

Matatandaang umatras si Erich sa teleseryeng iyon sa hindi malamang dahilan. At totoo nga bang sumama ang loob niya kay Erich?

Pero ayon naman sa kanya, nirerespeto raw niya ang naging desisyon ni Erich kahit hindi pa rin sila nakakapag-usap tungkol dito.

“Una nalungkot and hindi rin siya nakapagpaalam sa amin. Staff na lang nagsabi na wala na siya. Respeto na rin kung ‘yun ang gusto niyang mangyari or desisyon,” sabi ni Kim. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *