Kim, Maja, Sarah, Bea may ‘Kill This Love’ version?

Pinagdiinan ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram story na wala siyang Twitter account. Tsinek namin ang pangalan ng aktres sa Twitter at maraming gumagamit ng pangalan niya, huh.

The post Kim, Maja, Sarah, Bea may ‘Kill This Love’ version? appeared first on Abante News Online.

kim maja sarah bea may kill this love version - Kim, Maja, Sarah, Bea may ‘Kill This Love’ version?
abante Kim - Kim, Maja, Sarah, Bea may ‘Kill This Love’ version?

Blackpink ang peg:

abante i know better jun nardo 336x224 - Kim, Maja, Sarah, Bea may ‘Kill This Love’ version?Pinagdiinan ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram story na wala siyang Twitter account. Tsinek namin ang pangalan ng aktres sa Twitter at maraming gumagamit ng pangalan niya, huh.

Eh kaso, halos wala pang sampung libo ang mga follower ng mga account kaya pawang mga poser lang ‘yon, huh!

Sa mga account na ‘yon, dawit pa rin sa mga hate message si Julia Barretto gaya nu’ng pagtulong sa career niya ni Joshua Garcia. May naglabasang write up nga na ni-like ni Joshua ang nakaraang post ni Bea tungkol sa cheating, huh!

Mas pinili naman ni Gerald na manahimik. Hindi naman na yata bago sa kanya ang ganyang sitwasyon. Eh kung nalampasan niya ang naging issue sa kanila ni Kim Chiu, baka nga naman maitawid din niya ang bagong kontrobersiyang ito sa personal niyang buhay, huh!

Nakakaloka lang na may mga meme na pinagsama-sama ang mga photo nina Kim, Maja Salvador, Sarah Geronimo, at Bea Alonzo, ha! At sabi, bongga raw na mag-ala-Blackpink sila at kantahin ang “Kill This Love”.
Lovely, Benj sa 2021 pa pakakasal

Engaged na ang komedyanang si Lovely Abella sa boyfriend niyang si Benj Manalo, anak ng komedyanteng si Jose Manalo. Pero wala pa silang detalye kung kelan nila balak pakasal.

“Four years na kami ni Benj,” saad ni Lovely nang makausap ng press.

“Siguro mga two years from now. Kasi, actually, tinanong ko, hanggang kelan ba puwedeng pakasal ‘pag engaged ka? Sabi, one to two years pa, So doon ako sa two years! Ha! Ha! Ha!” dagdag niya.

“Praktikal po kasi akong tao. So ngayon, ang iniisip ko, kung kailangan ko bang ikasal nang bongga o okey na ba ‘yung family ko, friends ko na lang?
“Baka kasi after ng kasal, nganga! Ha! Ha! Ha!” sabi pa niya.

Hinayaan na lang daw niya si Benj na magdesisyon sa kasal nila kaya hindi siya makapag-decide kung engrande o simple lang ang kasal nila.

“Sa akin, simpleng garden wedding lang,” sey pa ni Lovely.

Eh bumubongga na rin kasi ang showbiz career ni Lovely. Bukod sa Sunday show niyang “Sunday PinaSaya”, kasama rin siya sa cast ng Kathryn Bernardo-Alden Richards movie na “Hello, Love, Goodbye”.

The post Kim, Maja, Sarah, Bea may ‘Kill This Love’ version? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *