Kim, Maja bongga ang tarayan sa dance floor

Ipinakilala na ng Brighlight Productions at ng TV5 ang mga bagong programa ng network at isa rito ang Sunday Noontime Live na mapapanood simula sa October 18.

The post Kim, Maja bongga ang tarayan sa dance floor first appeared on Abante.

kim maja bongga ang tarayan sa dance floor - Kim, Maja bongga ang tarayan sa dance floor
abante maja kim - Kim, Maja bongga ang tarayan sa dance floor

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Kim, Maja bongga ang tarayan sa dance floorIpinakilala na ng Brighlight Productions at ng TV5 ang mga bagong programa ng network at isa rito ang Sunday Noontime Live na mapapanood simula sa October 18.

Ididirek ng dating director ng ASAP na si Johnny Manahan at hosted by Piolo Pascual, Catriona Gray, Donny Pangilinan, Jake Ejercito at Maja Salvador.

Humarap via virtual presscon ang mga host, except si Piolo. Katulad ni Maja, galing ito for the longest time sa ASAP na simula ngayong Linggo ay magiging katapat na ng bago nilang show.

Inamin ni Maja nang tanungin namin kung hindi ba napi-pressure na tatapatan nila ang dating Sunday noontime show na pinanggalingan.

“Sa totoo lang po, may pressure kasi parang pakakantahin nila ako. Hahaha! Parang yun ang pressure for me,” natawang sabi niya.

“Pero ang maganda po kasi, siguro hindi tayo na-stuck sa iisa ang ginagawa natin. Siyempre this time, kailangan mong magpakita ng something new para panoorin din nila.”

Alam din daw ni Maja na hindi rin talaga maiiwasan ang comparison lalo na at ang dami na nilang Sunday noontime show ngayon.

“Hindi maiiwasan na makumpara. Kung sino maganda, ganito, ganyan. But at the end of the day, nandoon yung goal namin na mag-entertain at makapagpasaya. Dahil ngayong pandemya, yun ang kailangan natin. At maganda rin po, maraming choices, maraming papanoorin. At yun po ang pinaka-goal namin, makapag-entertain at makapagbigay ng kasiyahan.”

Ang tatay-tatayan na si Mr. M ang isa sa malaking dahilan ng naging desisyon ni Maja ng paglipat ng network. Tinanong nga ito kung hindi ba nagkaroon ng regret sa naging desisyon.

“Ang masasabi ko lang, I’m very grateful and thankful kay Mr. M for trusting in me. Regret? Siguro magkakaroon po ako ng regret kung sarili ko lang ang inisip ko. Isang malaking bagay po na nagpa-oo sa akin ay yung makakatulong ako sa aking pamilya.”

At very grateful daw siya sa ASAP dahil dito siya nakilala lalo na sa husay niya sa dance floor.

“Hindi po ako makikilala sa pagsasayaw kung hindi dahil sa ASAP. For 17 years, wala akong ibang ginawa every Sunday kung hindi ang sumayaw nang sumayaw.

“Forever grateful po ako sa inyo at since ang aking Tatay, si Mr. M ay naglambing, kailangan ko po siyang samahan. Parang hindi po ako makatanggi kay Mr. M, lalo na via Zoom, sinabi niya, ‘Maja, kailangan kita.’ How can I say no to him? Of course, my ASAP family, my bosses in ABS-CBN, naiintindihan nila lahat. Hindi naman po ako lalabas dito, tanggapin ang show na ‘to kung hindi maayos po yung pag-uusap ng lahat.

“Parang at the end of the day, ramdam ko na pamilya talaga kami. Ang pamilya ay iniintindi ang bawat isa at pangangailangan ng bawat isa.”

Well, simula nga sa Linggo ay isasabong na si Maja kay Kim Chiu sa dance floor. Bongga ito.

At simula nga ngayong Linggo, mula 12:00NN-2:00PM ay sa TV5 na siya mapapanood via Sunday Noontime Live. May catch-up airing at 8:00PM sa Colours Channel 202 HD at Channel 60 SD on Cignal TV.

Sanya bet ang kaguwapuhan ni Gabby

Tama ang hula ko na si Sanya Lopez ang Kapuso actress na hahalili sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa title role ng “First Yaya.”

Hindi raw makapaniwala si Sanya sa malaking opportunity na ito na binigay at pinagkakatiwala sa kanya ng Kapuso network. At title role na talaga ang ginagampanan niya, plus ang leading man daw niya ay ang guwapong si Gabby Concepcion.

Mabuti na lang din at naging maayos, malinaw ang ang nangyari kung bakit hindi na si Marian ang magiging First Yaya. Sa kabila na ang character ay alam naming hinulma halos sa kanya.

Kung hindi, siguradong maba-bash si Sanya at isiping sinulot nito ang role or hindi matatanggap ng iba kung bakit hindi natuloy si Marian.

Valid naman kasi ang rason ni Marian bilang ina ng dalawang bata.

Kung bakit mas kailangan niya munang piliin ang safety at sa bahay than a lock in taping.

Si Sanya naman ay all-free at single, madali para rito ang lock in scenario and in fairness rin kay Sanya na simula nang pagkatiwalaan ng network sa Encantadia, nakaka-deliver naman ito at hindi pa nagkaroon ng isyu sa trabaho.

The post Kim, Maja bongga ang tarayan sa dance floor first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *