Kim de Leon liyamado sa ‘StarStruck’

Sina Kim de Leon at Allen Ansay nga ang magkalaban sa grand finals ng “StarStruck” ngayong weekend. Sino kaya sa kanilang dalawa ang tatanghaling Ultimate Survivor ng 2019 StarStruck?

kim de leon liyamado sa starstruck - Kim de Leon liyamado sa ‘StarStruck’
kim 10 - Kim de Leon liyamado sa ‘StarStruck’

Sina Kim de Leon at Allen Ansay nga ang magkalaban sa grand finals ng “StarStruck” ngayong weekend. Sino kaya sa kanilang dalawa ang tatanghaling Ultimate Survivor ng 2019 StarStruck?

Anyway, sa presscon para sa kanila, may mga nagtanong kay Kim kung wala ba siyang balak palitan ang screen name niya, since marami na ngang Kim sa showbiz. Pero, wala pa raw sa isip niya ‘yon.

Si Kim ay tubong Balayan, Batangas at sumali na rin sa iba’t ibang pakontes. Bale mula sa mahirap na pamilya at umaasa siyang makakatulong sa pamilya once magtagumpay sa showbiz.

May mga nagawa na siyang komersyal na isa rito ay kasama ang ABS- CBN heartthrob na si Joshua Garcia na kaprobinsiya rin niya.

Sa ngayon ay umuupa si Kim ng isang kuwarto sa isang condo na malapit sa GMA. Mahirap daw kasing mag-commute from Balayan, Batangas to Manila, dahil medyo malayo rin.

Well, abangan na lang sa Sabado at Linggo kung siya ang uuwing nakangiti.

Marami rin ang pumupusta kay Allen Ansay na siyang mananalo sa “StarStruck”. Guwapo at matangkad kasi at pinakabata sa edad na 16, na mula naman sa Camarines Sur.

Nitong umuwi raw siya sa kanilang probinsya ay sinalubong siya ng buong barangay nila na animo ay superstar na siya.

Naikuwento niya na nakaranas na siyang maloko ng bading na recruiter na pinangakuan siya ng stardom. Mabuti na lang at hindi nila kinagat dahil nanghihingi raw agad ng P10K para lang sa mga profile cards.

Although mula sa middle income family ay pangarap niyang mag-artista talaga para makatulong. Aminado si Allen na mahina ang utak niya sa klase at mas gusto niyang mag-artista. Okey na raw ‘yung basta makapasa siya maski mababa ang grades.

Sa maikling panahon ay marami na ring fans si Allen. Gaya ni Kim ay umupa rin sila ng isang kuwarto sa QC at sinasamahan siya ng kanyang ama. Buong pamilya raw niya ang dadalo sa grand finals this coming weekend.

***

Shayne, Lexi patalbugan sa reality show

Kung noon ay hirap na hirap makapunta sa mga audition si Shayne Sava dahil sa walang pamasahe, ngayon ay maluwag na ang buhay niya since may allowance na silang tinatanggap mula sa “Starstruck”.

Seryoso at walang takot na hinarap ni Shayne ang lahat ng pagsubok, pangaral at kamalian matupad lang ang pangarap niyang mag-artista. Wala na ngang atrasan at handa siya sa kung ano man ang kahihinatnan ng pagsali niya sa “StarStruck”. Sabagay lahat naman sila ay ikokontrata ng GMA pero mas magandang manalo at makuha niya ang malalaking premyo.

Ganoon din si Lexi Gonzales na umaasa na makuha ang top spot ng “StarStruck”. May nakapagsabi sa amin na nakapagtrabaho na si Lexi sa ABS-CBN at kaya hindi na bago sa kanya ang trabahong haharapin. Gusto lang niya manalo at makuha ang malalaking premyo.

Gayunpaman ay handa pa rin daw si Lexi na matuto at sundin ang lahat ng payo na dumadating sa kanya. Hindi daw niya malilimutan ang mga taong tumulong sa kanya sa journey niya sa “StarStruck”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *