Kim, Bela patalbugan ng abs

Kabugan ng abs ang dating sa magkasamang photo nina Kim Chiu at Bela Padilla sa Instagram. Magkasama ngang nag-workout ang dalawa, at siyempre, may picture taking pagkatapos.

kim bela patalbugan ng abs - Kim, Bela patalbugan ng abs
kim 9 - Kim, Bela patalbugan ng abs

Dondon Sermino Paistaran 5 336x224 - Kim, Bela patalbugan ng absKabugan ng abs ang dating sa magkasamang photo nina Kim Chiu at Bela Padilla sa Instagram. Magkasama ngang nag-workout ang dalawa, at siyempre, may picture taking pagkatapos.

Makikita nga sa ‘twinning’ gym outfit nila ang pawis na pawis nilang katawan, pero ang mas nakaagaw talaga ng atensiyon ng lahat ay ang abs nila na lutang na lutang, ha!

“We rarely see each other but when we do this is how we roll!!! testing our strengths physically and emotionally! Waahhahahhaa. Abusing the good lighting here! That was hard but extra FUN!” caption ni Kim.

At super react nga ang mga follower niya sa bonggang abs nila ni Bela.

ultralagree.ph: “Look at those abs, work it girls! see you at Ultra.”

Guitauc: “Grabe yung abs oh! Nakakabulag.”

Sagot naman ni Kim: “Nagpakita siya after the work out!!! hahahha i guess I will really be back for more! galing!”

Beauty, Bangs labanan sa ‘hot momma’ title

Bongga nga ang labanan ng mga ‘hot momma’ na sina Beauty Gonzales at Bangs Garcia sa Instagram, ha!

Parehong BG ang initial, at parehong may isang anak. At pareho ring katakam-takam ang katawan.

Sabi nga ng mga netizen, lalo na ng mga kababaihan na tulad nila ay may anak na rin, nakaka-haggard daw tingnan ang kaseksihan ng dalawa.

Bakit daw ganu’n? Hustisya naman daw sana! Pareho-pareho lang naman daw silang may mga anak na, pero bakit parang mga dalaga pa rin ang kaseksihan nina Beauty at Bangs?

“Bring Back That Loving Feeling,” ang simpleng caption, na parang payo na rin ni Beauty sa mga ‘nanay’ na katulad niya, na dapat ay maging happy lang and ‘loving’ ang pakiramdam mo.

“Sit back and unwind once in a while,” naman ang sabi ni Bangs, na oo nga naman, na huwag masyadong padala sa mga pressure sa paligid, na dapat ay relax o chill ka lang, para lumabas ang tunay mong ganda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *