Kilay, tapang ni Andrea bet ng mga fan

Dahil sa success ng “Kadenang Ginto,” lalong sumisikat itong si Andrea Brillantes, kahit may katarayan pa ang role niya sa nasabing afternoon series ng ABS-CBN.

The post Kilay, tapang ni Andrea bet ng mga fan appeared first on Abante News Online.

kilay tapang ni andrea bet ng mga fan - Kilay, tapang ni Andrea bet ng mga fan
ABANTE andrea - Kilay, tapang ni Andrea bet ng mga fan

abante anything goes jun lalin 336x224 - Kilay, tapang ni Andrea bet ng mga fanDahil sa success ng “Kadenang Ginto,” lalong sumisikat itong si Andrea Brillantes, kahit may katarayan pa ang role niya sa nasabing afternoon series ng ABS-CBN.

Actually, mara-ming may gusto sa pagiging palaban ni Andrea sa “Kadenang Ginto,” huh!

At ang isa pang napapansin sa kanya palagi ay ang makapal niyang kilay!
Si Vice Ganda nga, aminadong type ang napa-kakapal na kilay ng teen actress.

May pagkakataon nga raw na pinagagaya pa ni Vice ang kilay ni Andrea.
Wow, ang bongga!

***

Coco sasabak na sa politika?
Isa sa mga nangungu-nang party-list ay ang Ang Probinsyano (#54).
Ang alam ko, pa-nglima sila sa listahan ng mga may pinakamaraming boto nitong May 13 midterm elections.
Matindi ang naging suporta ni Coco Martin sa nasabing party-list, kaya naman happy ang bida ng “FPJ’s Ang Probinsyano” primetime series ng ABS-CBN.
May mga fan naman na nagtatanong – kung sakaling matatapos na raw ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” posible raw kaya na sa 2022 elections ay maging nominee na ng Ang Probinsyano party-list ang aktor?
Well, malay natin, magka-idea si Coco!
***

Anak ni Rico J. Puno nakalusot
Marami mang taga-showbiz ang “Lotlot de Leon” noong Monday, “Winnie Santos” naman ang singer na si Tosca Puno-Ramos, anak ng the late Total Performer na si Rico J. Puno.
Talunan lahat ng ka-partido ni Tosca sa Makati City, pero nakalusot naman siya at 8th bilang city councilor sa first district ng nasabing lungsod.
Dapat ay si Rico ang kakandidato, pero namatay nga ito, kaya si Tosca ang nag-substitute sa kanyang tatay.
Sabi ni Tosca, very thankful siya na nanalo at priority raw niya ang pagiging city councilor, pero may singing commitments din daw siyang natanggap na noon pa man, kaya gagawin pa rin daw niya ‘yon.
Ang mga duet naman nila ng tatay niya, nasa digital platforms na rin daw at puwedeng mai-download ‘yon.
Sabi ko kay Tosca nang makatsikahan ko siya kahapon, for sure, nasaan man ngayon ang kanyang tatay, ay masaya ito sa kanyang tagumpay nitong katatapos lang na mid-term elections!
***

Anak ni Isko tuloy ang pag-aartista
Masaya ang ta-lent manager na si Daddie Wowie Roxas sa tagumpay ng anak-anakan niyang si Isko Moreno na nanalong mayor ng Maynila.
Bukod sa siya ang naging manager nang napaka-tagal na panahon ni Isko, si Daddie Wowie rin ang naka-discover sa actor/politician.
Noong Sunday, halos hindi nakatulog si Daddie Wowie sa sobrang nerbiyos dahil sa kandidatura ni Isko sa pagka-mayor ng Maynila.
“God is good!” ang nasabi ni Daddie Wowie nang finally ay si Isko na nga ang winner sa pagka-mayor ng Maynila.
“Parang mas lalo akong hindi makatulog sa sobrang tuwa at winner si Isko!” sabi ng talent manager.
Very soon ay ilo-launch naman ni Daddie Wowie ang career ng anak ni Isko na siya rin ang manager, si Joaquin Domagoso.
Ang alam ko, may launching movie na si Joaquin.
Mabuti na lang at magiging busy si Isko bilang mayor ng Maynila, kaya for sure, hindi ito magpapaka-stage father sa anak at si Daddie Wowie ang tututok sa career ni J­oaquin!

The post Kilay, tapang ni Andrea bet ng mga fan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *