Khalil ayaw maka-love team ng dyowang si Gabbi

Mahigit isang taon na ang relasyon nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia, ‘yan ang pag-amin ng singer/actor sa interview namin sa kanya sa mediacon ng Pista Ng Pelikulang Pilipino (simula Sept. 13 to Sept. 19).

The post Khalil ayaw maka-love team ng dyowang si Gabbi appeared first on Abante News Online.

khalil ayaw maka love team ng dyowang si gabbi - Khalil ayaw maka-love team ng dyowang si Gabbi
khalil 1 - Khalil ayaw maka-love team ng dyowang si Gabbi

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Khalil ayaw maka-love team ng dyowang si GabbiMahigit isang taon na ang relasyon nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia, ‘yan ang pag-amin ng singer/actor sa interview namin sa kanya sa mediacon ng Pista Ng Pelikulang Pilipino (simula Sept. 13 to Sept. 19).

Parang daloy ng tubig na sumagot sina Khalil at Gabbi sa tanong tungkol sa kanilang relasyon dahil sila naman ang magka-love team at bida sa “LSS” o “Last Song Syndrome” na idinirehe ni Jade Castro.

Ayon kay Khalil, 2017 nu’ng magsimula silang mag-date ni Gabbi. Si Gabbi ang nagpaalala kay Khalil kung paano sumingaw ang balita tungkol sa kanila, at ‘yun ay nu’ng mag-guest daw ito sa “Tonight With Boy Abunda”.

Sabi ni Gabbi, mas nakakagalaw silang dalawa ngayon ni Khalil mula nu’ng buksan nila sa publiko ang kanlang relasyon.

Itinanggi ni Gabbi ang balitang lilipat na siya sa Kapamilya network para magtuloy ang kanilang love team ni Khalil. Esplika niya, ayaw nga raw niyang maging magka-love team sila, at nagkataon lang na pareho nilang gusto ang movie na “LSS” kaya tinanggap nila ito.

Samantala, ang dalawa pang official movie entry ay ang “The Panti Sisters” na pagbibidahan nina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario, na ididirek ni Perci Intalan para sa IdeaFirst, an gang “Cuddle Weather” na ididirehe naman ni Rod Marmol.

Ang lahat ng mga kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino ay tatanggap ng P2M bawat isa.

Claudine nakamamatay ang mensahe kay Gretchen  

Kung nakakalunod ang papuri at pagmamahal, matagal na sigurong patay si Gretchen Barretto. Hindi nauubusan sa kanyang pasasalamat si Claudine Barretto para sa kanyang nakakatandang kapatid na si Gretchen, sa mga social media post nito.

Mula nu’ng magkita at magkalapit ulit ang kanilang loob, hindi na natigil pa sa mga magagan­dang mensahe niya si Claudine para kay Gretchen. Lagi niyang sinasabi kung gaano niya kamahal ang kanyang ate at kung gaano siya nagpapasalamat dito.

Sa last post niya sa Instagram ay mababasa ang isang quote tungkol sa pag-alalay ng kapatid sa kapatid.

“SISTERS are Angels who lift us up when our wings forget how to fly.”

Sa caption, sinabi ni Claudine na ang kanyang Ate Gretchen ang gumamot sa mga nasira niyang pakpak noon.

“Once a upon a time my wings were broken, till an angel came along and Nursed my broken wings. I can now FLY AGAIN @gretchenbarretto,” sabi ni Claudine.

Magkakampi ngayon sina Claudine at Gretchen sa pagsangga sa isa pa nilang kapatid na si Marjorie Barretto. Bagama’t hindi nagsasalita nang diretsahan si Claudine nasa mga pasaring ni Gretchen na inaapi ng iba niyang mga kapatid ang kanilang bunso.

Inuudyukan si Claudine ng kanyang mga follower­ na diretsahin kung ano-ano ang ginawang hindi maganda sa kanya ni Marjorie.

@wisemen75: “Sabihin mo na kase ang mga ginawa ni Marjorie sayo paligoy ligoy ka pa e @claubarretto gayahin mo ate mo @gretchenbarretto deretsahan wag ka na magpa-cute pa dyan nakakaasar lang.”

Nanatiling tikom ang bibig ni Claudine tungkol sa isyu pero ramdam ang hinanakit niya sa iba niyang mga kapatid.

 
Kakai feeling bikini model, todo lantad ng puwet, bilbil

Kahit pinaglalaruan na sa social media si Kakai Bautista tuloy pa rin ang pagpapa-sexy niya. Hindi pa nagkasaya ang Dental Diva sa mga nauna niyang post ng kuyukot o puwet at bilbil niya, at nag-post din ng ilang video niya na kuha sa isang isla sa Zambales.

Nag-feeling bikini babe si Kakai sa mga shot niya. Super-emote na animo ay bikini model ang hitad na hindi alintana ang kanyang hubog ng katawan at nag­lalakihang mga braso.

Bukod doon gumawa pa ng video ang singer/actress na animo ay model siya ng isang beauty soap.

Anyway, sakay naman ng mga netizen ang trip ni Kakai.

The post Khalil ayaw maka-love team ng dyowang si Gabbi appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *