Kevin Hart inoperahan sa likod

Dumaan sa major surgery sa kanyang likuran ang Hollywood comedian na si Kevin Hart pagkatapos maaksidente habang sakay ng kanyang 1970 Plymouth Barracuda sa Mulholland Drive in the Malibu Hills noong nakaraang September 2 at around 1:00 AM.

kevin hart inoperahan sa likod - Kevin Hart inoperahan sa likod
kevin 2 - Kevin Hart inoperahan sa likod

Hollywood:

Dumaan sa major surgery sa kanyang likuran ang Hollywood comedian na si Kevin Hart pagkatapos maaksidente habang sakay ng kanyang 1970 Plymouth Barracuda sa Mulholland Drive in the Malibu Hills noong nakaraang September 2 at around 1:00 AM.

Nahulog sa isang ditch, 10-feet off the road, ang sasakyan ni Hart nang biglang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver ng comedian na si Jared Black.

Total wreck ang sasakyan pero milagrong naka-survive sina Hart at Black at isa pa nilang kasama sa kotse na babae. Pero nagkaroon ng injury sina Hart at Black.

Dinala ng security team ang comedian sa bahay nito na malapit lang sa pinangyarihang aksidente, pero isinugod rin nila ito sa ospital dahil sa natamo nitong back injury.

Si Black naman ay kinailangang i-airlift patungo sa UCLA Medical Center. Mabuti na lang daw at nakasunod sa sasakyan ni Hart ang security team nito kaya mabilis silang nakatawag sa 911.

Report ng TMZ ay naging successful ang back surgery ni Hart at kailangan niyang mag-stay sa ospital nang ilang araw para maka-recover.

Ang misis ni Hart na si Eniko ang nagsabi ng good news sa media.

“Kevin is great. He’s going to be just fine. He’s good. Everybody’s good, thank God. … He’s fine. He’s awake.”

Ang sasakyan ni Hart na Barruda ay regalo ng komedyante sa kanyang sarili noong 40th birthday niya last July.

(Ruel Mendoza

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *