Ken pabor sa ‘ghosting’

Naitanong kay Ken Chan ang ilan sa mga mainit na isyu kamakailan gaya nga ng “ghosting”. Sabi ng aktor, naranasan na niya na ma-ghostin­g at hindi niya minasama ito.

ken pabor sa ghosting - Ken pabor sa ‘ghosting’
ABANTE KEN - Ken pabor sa ‘ghosting’

Naitanong kay Ken Chan ang ilan sa mga mainit na isyu kamakailan gaya nga ng “ghosting”. Sabi ng aktor, naranasan na niya na ma-ghostin­g at hindi niya minasama ito.

Bagkus, mas tinitignan nga ng aktor ang positibong side nito.
“Ganu’n talaga, ibig sabihin, hindi pa siya matured, and buti na lang na nangyari ‘yun,” sabi ng aktor.

Idiniin pa ng aktor ang kabutihang nadudulot ng ghosting.

“Actually, alam niyo, huwag nating gawing negative ‘yung ghosting. Gawin nating positive, ‘di ba? Kasi ginhost ka, ibig sabihin hindi ka tumagal sa tao na ‘yun, merong nakalaan na para sa iyo. Maaga pa lang nalaman mo na ‘yung ugali niya so nakaligtas ka. So, blessing in disguise. So, ‘yung ghosting na ‘yan, pasalamat tayo na may nanggu-ghost sa atin dahil meron tayong natutunan,” paglilinaw nga ng aktor.

Ang ghosting ay salita na madalas gamitin ng mga millennial na nangangahulugan na pakikiligin ka o ipararamdam sa’yo na espesyal ka tapos isang araw ay bigla na lang mawawala na parang bula at ‘di na magpaparamdam. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *